"Aalis na kami ng anak ko" nagmamadali kong sabi habang inaayos ang mga damit namin
" Walang aalis dito Iska"
madiin nyang sabi" Di mo ako mapipigilan Luke. Tatapusin ko na lahat. makukuha mo na ang mana mo" unti unti ng pumapatak ang luha saking mga mata. Mahal na mahal ko siya pero siguro tama na muna, para na rin sa anak namin
" Hindi ka aalis Iska. Please nagmamakaawa ako. Wag ka munang umalis. Aayusin ko lahat. Hindi ko kailangan ng mana ko"
" Nagpapatawa ka ba Luke. Pakinig na pakinig ng dalawa kong tenga na yun lang ang habol mo sa kasal na to kaya wag mo akong lokohin pa" natapos na ako sa pag aayos ng aking damit at dire diretso akong naglakad palabas ng kanyang kwarto.
Nang tuluyan na sana akong lalabas ng kwarto, naramdaman ko na niyakap nya ako sa aking likod. Naramdaman ko na nabasa na ang damit ko sa likod
Teka naiyak ba sya?
Huwag ka magpapadala Chesca. Nagpapaawa lang sya kaya wag ka ng maniwala.
Tinanggal ko ang mga bisig nya na nakayakap sakin at tuloy tuloy ng lumabas. Binilisan ko ang aking paglabas upang hindi na nya ako maabutan. Paglabas ko ay saktong may dumaang taxi kaya't sumakay na agad ako.
Magtatatlong buwan na ng umalis ako sa bahay nya. Namimiss ko na sya ngunit wala akong planong bumalik pa sa kanya. Nandito ako sa tahanan ng aming katulong dati sa Mindoro, sya ang naging magulang sakin nung puro trabaho na si mommy, siya si Nanay Lita.
"nak bakit nanjan ka pa? Mahamog na, pumasok ka na sa loob" nany Lita.
" may iniisip lang po ako. Papasok na po ako" pumasok na ako sa loob ng bahay. Dito, nararamdaman kong may nagmamahal sakin at nag aalaga.
Pagpasok ko sa kwarto, Wala akong maggawa kaya't kinausap ko nalang ang mga anak ko sa aking tyan"Kamusta na kaya sya, mga anak? Siguro masaya na ang daddy nyo ngayon kasi nakuha na nya ang gusto nya. Pasensya na mga anak ha, wala kayong makikilalang ama. Wag kayong mag alala. Mahal na mahal kayo ni Mommy"
Hindi na ako pwedeng gumalaw ng sobra dahil sobrang laki na ng tyan ko parang nakalunok ako ng isang buong pakwan.
Masaya ako ngayon ngunit hindi ko pa din sya hindi maiwasang mamiss. Simula pagkabata, siya lang ang tangi kong minahal. Siya ang uan ako sa lahat kaya mahirap para sakin na kalimutan sya at maalis ang sakit sa aking puso.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto, siguro nandto na si nanay.
"Nay-- Luke?" Anong ginagawa nya dito. Tila napako ako sa aking kinahihigaan dahil hindi ako makagalaw ng makita sya.
"Iska" sabi niya at bigla niya akong niyakap
May nakita ako sa kanya mga mata ng makita nya ako. Saya? hindi naman siguro
Tinulak ko sya at lumayo sa kanya
"Anong ginagawa mo dito?" at matalim ko syang tinignan"Iska let's go home please" pagmamakaawa nyang sabi at lumuhod
"Hindi na ako babalik sayo Luke. Ano pa bang gusto mo?! Umalis na nga kami ng mga anak mo sa pamamahay mo, nakuha mo na ang mana mo!!! Ano pa?!" Ayoko nang bumalik pa sa kanya ( ayoko na nga ba?)
"Iska lahat gagawin ko please, patawarin mo lang ako." sabi nya habang nakaluhod pa rin.
"Tama na Luke please" nanghihina kong sabi sa kanya. Biglang nanakit ang puson ko, may naramdaman akong likido saking mga binti, pagkakita ko ay bigla akong parang binuhusan ng malamig ba tubig... DUGO!!!!
A/N: Hi po. Sorry po kung ngayon lang ako nakapag ud😅 at ang ikli pa din nya😅
BINABASA MO ANG
The Unwanted Me
Genç Kız EdebiyatıSa bawat nangyayari may dahilan. Sa bawat paghihirap may kadugtong na kasiyahan. Lahat ng tao may sari sariling pagkakamaling naggagawa I'm just an unwanted wife for him. I loved him but he never love me back. Our parents just arrange married us. I'...