Pauwi na ako, kakagaling ko lang sa bahay nila Scarlet. Pero pakiramdam ko kinakabahan ako sa di ko alam na dahilan
*ringgg ringg* (tunog po yan ng cp)
Luke's calling
Sinagot ko agad ang tawag
"Hello Luke?" Mahina kong sabi para hindi niya mahalata ang kaba ko
"Iska, nasan ka na?" Naisip kong gulatin siya kaya ang nasabi ko ay nasa bahay pa ako ni Scarlet
"Umuwi ka agad mamaya. Wag kang magpagabi. Ingat" at pinatay niya na agad ang tawag
Hindi ko alam kung para saan yung pagpatay nya ng tawag o sadyang kung anu ano lang ang iniisip ko dahil siguro saking pagbubuntis, ganto lang talaga siguro kapag buntis. Bahala na
Habang palapit ako ng palapit sa aming bahay ay lalong nadadagdagan ang kaba ko. Sana naman walang mangyareng masama.
Nasa garahe na ang sasakyan ni Luke kaya dumiretso na ako sa loob.
Ng sumilip ako sa kwarto namin, nakita kong may kausap sya sa kanyang telepono
"Opo dad. Kasama ko na po sya ulit.... Dad alam niyo naman pong ginagawa ko lang ito dahil sa mana ko!!.. Wala po akong pakialam sa anak niya!! .... Hihiwalayan ko na din po sya pagkatapos kong makuha ang mana ko kay lolo.... Ingat po kayo jan ni Mom. Bye"
Unti unting tumulo ang mga luha ko sa narinig ko.
Akala ko mahal na talaga niya ako.
Akala ko tanggap niya ang anak namin.
Akala ko magsisimula na ulit kami ng bagoAkala ko ok na kami
Pero puro akala lang pala ako.
Sinaraduhan ko ang pinto, wala akong paki kung marinig man nya o hindi basta nasasaktan ako at yun lang ang alam ko. Parang nakalimutan ko ng may anak pa ako sa sinapupunan ko ng tumakbo ako papalabas. Tulo ng tulo ang mga luhang di ko mapigilan.
Naririnig ko ang mga tawag nya pero hindi ko naggawang lumingon sa kanya. Baka kasi kapag lumingon ako, manlambot lang ako. Pero kahit anong bilis ko naabutan niya pa din ako."Chesca pakinggan mo muna ako please" humihingal na sabi niya
"Ano pa ba ang gusto mong pakinggan ko?!? Narinig ko na ang lahat Luke! Tama na! Kung para lang pala sa mana mo kaya ka napilitang samahan ako, sasabihin ko sa lolo mo na ibigay na yun sayo! Iyong iyo na! " ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay sakit at galit
"Hindi mo-" pinutol ko siya
"Tama na luke!! Pagod na pagod na ako. Di ko na kaya na pakisamahan ka. Aalis na lang kami ng anak natin. Sorry akin lang palang anak. Hindi mo nga pala sya tanggap" parang may kung ano ang dumaan sa mga mata niya na di ko maintindihan.
"Chesca hindi kayo aalis. Walang aalis." tila nangungusap niyang sabi
"Luke. Pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang, pangalawa na to eh. Sabi mo din naman, iiwan mo din kami pagkatapos mong makuha ang mana kaya uunahan na kita para di ka na magtiis pa na samahan kami ng anak ko." Nahihirapan kong sabi at tulo pa din ng tulo ang mga leche kong luha
"No Chesca please. Wag mo tong gawin. Nagmamakaawa ako. Hindi ko kakayanin kapag iniwan niyo ako. Mahal ko kayo"
Bigla akong napatawa sa sinabi niya kahit peke. Hindi ko kayang maniwala sa kanya pagkatapos ng mga narinig ko sa kanya."Nagpapatawa ka ba? Kung mahal mo ako, ano yung sinabi mo kanina sa telepono? Kung mahal mo ako, hindi mo ako sasaktan. Kung ganyan ka magmahal, sana pala di nalang ako pumayag nung sinama mo ako bahay na yun"
Hindi ko alam pero parang nababaliw na ako. Natawa ako habang umiiyak, hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman ngayon. Sobrang sakit na. Mas gugustuhin ko pang maging manhid kesa ganto.Tatapusin ko na lahat ng sa amin. Pagod na pagod na ako. Hindi ko na kaya.
Nang makabitaw ako sa hawak niya ay naglakad na ako pabalik sa kanyang bahay. Inimpake ko na lahat ng gamit ko. Hahanap nalang ulit ako ng bagong matitirhan kasama ang aking anak. Basta wag lang dito na kasama siya. Gusto ko ng magpakalayo layo
"Anong ginagawa mo?"
(Heheheh yan lang po)
BINABASA MO ANG
The Unwanted Me
ChickLitSa bawat nangyayari may dahilan. Sa bawat paghihirap may kadugtong na kasiyahan. Lahat ng tao may sari sariling pagkakamaling naggagawa I'm just an unwanted wife for him. I loved him but he never love me back. Our parents just arrange married us. I'...