Simula

9K 208 25
                                    



Isang oras nang nakaupo si Maymay sa mesa at wala pa rin siyang naisulat. Ito ay para sa librong pinapagawa sa kanya ng Management para sa PBB Lucky Season 7 Book The Special Edition. Tila may gumugulo sa isip niya. Tila may hinahanap siya.

Hanggang sa may naisulat na siya.

"The Art of Moving On"

PBB Lucky Season 7 Book
The Special Edition By Marydale "Maymay" Entrata

Let the past be a shadow as we move on. It's cliché to say that past is past. It may be behind us but it's always with us.

***

"Char! English!" Komento ni Maymay sa naisulat niya.

"Ahhhhhhh!" Sigaw ni Maymay habang nasa bar table malapit sa kusina. "Hindi. Ito. Maaariii! Ang hirap sumulat sa Ingles!" At kahit frustrated na, kumuha siya ulit ng panibagong papel mula sa drawer ng working table niya at muling nagsulat sa mesa.

"Ate May, let me remind you..." Sambat ni Kisses habang naglalagay ng make up sa sala. "You have a broken heart, not a broken brain. Magfocus ka nga, or else if you will write in Filipino baka hindi maiintindihan ni Edward. Our goal is for this book to reach Edward, maybe in Germany or some other part of the world."

Si Kisses ang girl BFF na palaging bumibisita sa bagong bahay ni Maymay.  It may sound impossible in showbiz but they remained friends.

"I know what you're trying to do. Char! English!" Sagot ni Maymay na nakasimangot. Tinapon na naman niya sa sahig ang pangsampung papel na sinulatan niya.

"What?" Napahinto si Kisses sa pag-aayos ng kilay.

"Encouraging me like as if it's that easy. Char! But this time hindi ko talaga kaya, Kisses. 100 days. That was 100 days na everyday kaming magkasama bilang best friends, bilang ka-Twinnie ko." Hindi na napigilan ni Maymay ang pagdaloy ng luha sa pisngi niya. Dalawang linggo na siyang nasa bahay lang, halos 'di na nag-aayos sa sarili at palagi nalang nag-iisip kung bakit hindi man lang nagpaalam ang Twinnie niya.

Gusto mang manatili ni Kisses sa bahay, 'di rin niya magawa dahil bumalik na siya sa pag-aaral.

"Hey! I think you're forgetting your worth, Ms. Maymay Entrata! You are one of the PBB Lucky Winner. Don't give up! Get up! Dress up and show up!" Patuloy na paghingkayat ni Kisses sa BFF habang isa-isang pinulot ang mga papel na nasa sahig. At nang mapulot ni Kisses ang huling gusot-gusot na papel, inayos niya ito at sinubukang basahin.

"The Art of Moving On"

PBB Lucky Season 7 Book
The Special Edition By Marydale "Maymay" Entrata

"Will we ever make the broken pieces into masterpieces?

Please tell me how. Tell me now.

***

"Ate May, I think I have an idea for your book." Agad na nilagyan niya ng napakalaking X ang naumpisahan ni Maymay. "I'm a book lover and I can say na maganda na 'tong naisulat mo. You just need to find the drive that you once had."

Habang busy si Kisses sa pag-iisip kung papaano niya susulatin ang ideya niya hinanap naman ni Maymay ang cellphone niya at umaasang may text o missed calls mula kay Edward.

"Here! See you later! Love you!" Iniwan ni Kisses ang papel sa mesa, kinuha ang bag at libro niya at agad na umalis. "Dad is here na!"

Malungkot man nang makita niyang walang notification sa phone niya, kinuha ni Maymay ang papel na iniwan ni Kisses sa working table niya at humiga sa sofa suot-suot ang jacket na bigay ni Enrique Gil at ang t-shirt na binigay ni Edward sa kanya.

"90 Days of Moving On" ang title na sinulat ni Kisses sa papel para sa PBB Lucky Season 7 Book The Special Edition na kailangang maisulat ni Maymay bilang Lucky Winner. Ito ay utos rin ng Management sa kanya.

Agad na binasa ni Maymay ang isinulat ni Kisses sa papel.

"90 days of Moving On"

PBB Lucky Season 7 is a life-changing and a fate-twisting opportunity for me. But then again it was a fairytale. It was and I would definitely agree. And I guess many have seen the "THE END" of our story in PBB. We, the housemates, went our separate ways. Most of them have said 'goodbye' except for one-the one closest to me.

DAY 1 - DARE TO SAY HELLO

"Who cares? Tell me, would you care? So today I'll text you to say hello. I'm not an easy girl nor I'm chasing you, I'm just being true to the feelings I have for you.

DAY 2 – THE MAKE OVER

I am independent. I can make myself better. But still I want to know, where are you now? Make me sane again. Tell me. Just let me know.

DAY 3...

P.S. I know you can do this, Ate May.
Love, Kisses

***

Biglang bumalik sa ala-ala ni Maymay ang unang date nila ni Edward. Yun ay yung gabi na nagdate rin sila ni Quen. Bago umalis si Edward sa kunwaring date nila papuntang confession room, ang sabi nito sa kanya, "I'll come back for you, yeah?"

"AHHHH! Bakit ka umalis nang walang paalam, Twinnie! Ang daya mo! Ang daya-daya mo!"

Mayward After PBB | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon