Pam's POV
"Ate! Ate! Ayoko na! Gusto ko ng umuwi! Ayoko na dito!" Sigaw niya galing taas.
"Oo! Uuwi na tayo! Kaya bilisan mo!"
Hindi lang ikaw ang gustong maka uwi na. Dahil ako din. Gustong gusto ko ng umuwi.
"Tara na!" Tsaka niya ako hinigit papalayo sa lugar na 'yon. Tinatawag pa kami ng isa sa bisita ngunit hindi kami tumitigil o lumingon man lang.
"T-teka nga yung gown ko oy!" Sabi ko sakanya ng hinihingal at tumigil naman na siya.
"Ba't kasi yan ang isinuot eh!" Sabi niya. At tinanggal niya yung neck tie niya at binigay sakin.
"Baka po kasal natin." Hinihingal padin na sabi ko. At tinignan siya ng masama. Pinagtitinginan na kami ng tao dun. Pero wala padin akong pake.
Tinaas ko yung gown ko at tinignan yung heels ko kung ok pa. Ok pa naman ito pero kailangan kong magpalit. Ayokong masira 'to.
"Mag sandals ka na lang. Baka mamaya matapilok ka pa." Sabi niya at binigay yung sandals na kulay black. Kinuha ko ito at binigay sakanya yung heels ko.
"Ano? Tara na?" Sabi niya ng naka ngiti at hinawakan yung kamay ko. Pero shocks! Ang gwapo niyaaaaaaaaa. Hihihihi.
Tumango ako at hinawakan ko din yung kamay at pati yung wedding gown ko. Nakikita ko na ang labasan bg street. Konti na lang.
"Wait! Tama na. Ayoko na. Pagod na ako!" Sabi ko at yumuko.
"Pam."
"Hmmm?" Pag tingin ko sakanya, bigla niyang pinunasan noo ko dahil sa pawis.
"Thanks." Ngumiti lang siya, at siya naman nagpunas ng pawis niya.
"Lakad na lang tayo. Nakikita ko na yung sasakyan na pinanghatid sayo sa simbahan." Sabi niya at nagsimula na kaming lumakad.
"Oy! May sasakyan pa eh! At dun yung tamang tawiran oh." Pano tatawid agad e may kotse pa e. Tas tatawid pa sa may maling tawiran tsk.
"Hehehehe. Sorry. Tara na nga." Sabi niya at napakamot sa batok.
Pag punta namin sa may tamang tawiran nakita namin yung ex niya at yung mga alipores ni Maui. Humigpit yung hawak niya sakin, napatingin si Maui sakanya at umalis kaya napatingin din ako kay Kurt.
"Tara na, tawid na tayo." Sabi niya kaya napatawa ako.
"Hahahahaha! Ang asawa ko hindi marunong tumawid!" Sabi ko kaya tumingin ito sakin ng seryoso.
"Anong hindi? Iwan kaya kita dito?"
"Edi iwan mo." Tsaka ko siya inirapan at tumawid na.
"Oh ate Pam, san ka pupunta?" Tanong ni EJ ng makasalubong ko ito. Si EJ ay kaibigan ko.
"Uuwi na. Sige EJ, una na ako." Tsaka ako lumapit sa kotse.
Bubuksan ko na sana yung kotse pero biglang may yumakap sakin. "Wife." Di ko siya pinansin at humigpit yung yakap niya.
"Wife, sorry na. Hindi naman kita kayang iwan eh...
....lagot ako kila mommy, pati kila daddy mo."
Yun naman pala. Hindi niya ako kayang iwan gawa ng malalagot siya kila mommy at mama. Hays.
"Wife. Pansinin mo naman ako. Bati na tayo, kakakasal lang natin oh. Tas hindi mo na ko papansinin? Wife." Biglang lumungkot yung boses niya. Pano ko matitiis to? Kung ganto yung manunuyo sayo? Ang hirap naman nito!