bestfriend kita di ba?

40 5 2
                                    

"Bestfriend kita diba?" salitang lumalabas lagi sa kaibigan kong manhid. di niya ba na papansin na mahal ko siya! grabeh naman! oh sige! kasalanan ko kung torpe ako..eh ano ngayon? ayoko lang masira ang pagkakaibigan namin. Natatakot lang naman din ako na baka mawala siya sa akin.

"hoy my labs! ano ba! bilisan mo! malelate na tayo" yan si jenika..bestfriend kong manhid..oh! inggit kayo sa tawagan namin noh? hahaha!

"hoy mr. NICK VENDOVAL! bilisan mo jan!"-hahahaha! ang cute talaga niyang mainis!

"oo...nandiyan na"

13 years na kaming magkaibigan ni jenika. since bata kami...siya ang lagi kong kalaro.

lagi din kaming inaasar ng mga kaklase namin nung elementary pa kami.

ngayon 4th year na kami. swerte at classmate pa rin kami.

"hahay..salamat hindi pa tayo late"-hahahaha! nakakatawa siyang tignan!

umupo na kami sa upuan namin. "my labs, sasali ka ba sa basketball?" noon pa man..pangarap ko ng maging basketball player..pero ayokong mahiwalay sa bestfriend ko eh..

"ayoko my labs,gusto kong kasama lang kita palagi"

"hahaha! ang corny mo! Pero di ba gusto mong maging varsity ng school natin"

"ahmmm....papayag ka ba?"

"oo naman!"

"talaga? susuportahan mo ba ako"

"syempre naman! Bestfriend kita di ba?"

hahay! yang linya na yan talaga!

"hahaha! oh sige! kung yan ang gusto mo"

"ganyan ang my labs ko!"

"a-aray! tama na may labs" kinurot ang pisngi ko nitong baliw nato!

pagkaraan ng ilang araw...sumali ako sa basketball team..

Lagi akong sinusuportahan ni jenika... Sa tuwing makashoot ako, lagi siyang sumisigaw ng '' hoo! Kaibigan ko yan! '' At ngayon..officially member na ako ng basketball team..

masyado akong busy sa basketball na halos wala akong time kay jenika...pero nauunawaan pa rin niya ang sitwasyon ko.

Paminsan-minsan, napag-iisipan ko rin na mag quit na lang kaso pinapakiusapan ako ng coach namin na wag ng magquit ldahil may potensyal ako dito..isa din sa dahilan ay ang team leader namin. May mga usap-usapan na kapag magaling ka sa basketball ngunit gusto mo ng mag quit, pinagtatangkaan niya ito para wag lang mag quit.

April 27. Birthday ni bestfriend, practice namin ngayon sa basketball. hanggang ngayon hindi ko alam kung anong gagawin ko. Di na ako makafocus sa nilalaro ko. Iniisip ko yung birthday ni jenika dahil ako raw ang special guest niya.

"Prrrrrrrrrrrrrt" pito?

"mr. Vendoval, anong nangyari sayo? hindi ka nagfofocus?!"

"sorry coach"

"oh sige! break muna"

biglang lumapit sa akin ang team leader namin.

"hey nick! pansin ko hindi ka makafocus sa paglalaro simula pa nung isang araw. May iniisip ka yata."

"wala ka ng pakialam dun captain. Privacy ko yun"

"talaga ha?"

naglaro na naman kami ulit at hanggang sa natapos na ang practice namin. gabing-gabi na kaming natapos. Kaya agad-agad akong nagmamadali

Dali-dali akong umalis doon nang biglang hinarangan ako ni captain.

''nagmamadali ka yata? ''

''halata naman siguro? Pwede ba captain tumabi ka.. ''

bestfriend kita di ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon