Chapter 3: Angelo

14 1 0
                                    

Angelo's PoV

"Gelopatootie?! Umuwi ka na?!" gulat na gulat na sigaw ni Trina.

Wow. Just wow. After 5 years, here I am, standing in front of my childhood best friend. To be honest, matagal ko nang pinaplanong umuwi ng Pilipinas. Right after kong mag graduate as a civil engineer, the first thing that I wanted to do is to go back here, where it all started. Dito ko rin binabalak na tuparin yung mga pangarap ko sa buhay. Isa na dun ang makasama ang pamilya ko, at syempre, ang magiging pamilya ko. Sobrang namiss ko sila, especially my friend, Trina. Gusto kong tuparin yung pinangako namin sa isa't isa nung mga bata pa lang kami, kahit na sobrang tagal na nun at baka hindi niya na rin naaalala.


--Flashback--

"Ang cute mo." pabiro kong sinabi sakanya.

"H-ha? A-ano? Hindi naman." sinabi niya habang nagpipigil ngumiti. Namumula na rin yung mukha niya.

"Joke lang. Naniwala ka naman." siguradong suntok nanaman yung aabutin ko sakanya neto hehe ^.^

"Pero seryoso, alam mo, ikaw din. Ang gwapo mo." sagot naman niya. Aroii. Namumula nanaman sigurado yung tenga ko ngayon.

"Kaso joke lang din pala." natatawa siya

"Hala. Crush pa naman sana kita kaso ganyan ka." patampo kong sinabi.

"Crush din naman kita pero bata pa tayo. 25?" sinabi niya sakin habang inaabot sakin yung pinky niya

"Anong 25?" nagtataka kong tinanong

"Pag 25 na tayo, magpapakasal tayo kasi ganun naman daw talaga ang love diba? Sabi nila mommy?"

"Ay oo nga pala hehe."

"Pinky promise?" tinanong niya habang inaabot sakanya yung pinky niya

"Pinky promise" sagot ko naman, sabay pinky promise sign

--End of Flashback--

Ang saya namin nun. Sana naman maalala niya pa yung mga yun. At sana ganun pa rin kami hanggang ngayon.

"Uy! Ba't tulala ka?" natatawa niyang tinanong

"Gutom na eh. Tara kain?" pag-aaya ko

"Alam mo namang hindi ako tatanggi pagdating sa pagkain haha" sagot niya naman

"Teka. Mas maganda siguro kung sa bahay na tayo kakain noh? Siguro naman namiss mo na rin yung bahay namin, 'diba Angelo?" sumingit si tita sa pag-uusap namin

Pumayag ako at maya-maya ay hinatid ko sina Trina sa bahay nila. Si Jonathan naman ay umuwi na.
----------------
Habang kumakain, inaasar nina tita at tito si Trina sa isang lalaki. Hindi ko nga lang alam kung sino yung hinayupak na yun na ang sarap bugbugin.

"Pano magiging kayo nun? Ang gwapo niya kaya. Tapos ikaw? Hahaha." Pang-aasar ni tito

"Tumigil nga kayo. May bisita oh." naiinis na sinabi ni Trina. Pulang-pula yung pisngi niya

"Sige tito. Ayos lang po. Ang cute niya pong mapikon eh. Nga po pala, sino yung natitipuhan ni Trina?" Pagtatanong ko

"Sino pa ba? Edi si Jo--" tugon ni tita pero hindi hinayaan ni Trina na ituloy niya ang dapat niyang sabihin.

Pagkatapos nung eksenang yun ay nanahimik silang lahat. Sana talaga nasabi na ni tita yung pangalan nung lalaki para naisulat ko na sa death note. Nakakaasar eh. Di niya ba makita kung gaano kaganda si Trina? Kung gaano siya kabait? Hindi niya makita ang halaga ni Trina. Ibang-iba siya sa mga babae ngayon. Kahit sinong lalaki naman siguro ay mabibighani sa ganda niya. Kaso siya? Bakla ata yun eh. Hays.

"Nga pala, hijo. Kelan ka pa umuwi sa Pilipinas?" Pagtatanong ni tita

"Kanina lang pong umaga. Pero naisipan ko pong dumeretso sa inyo kaso lumipat na po pala kayo ng bahay. Buti na nga lang po nagkita tayo sa mall."

"Tumangkad ka Gelo. Tapos lalo pang gumwapo. Gusto talaga kita para kay Trina." Biglang sumingit si tito

"Da! Nakakahiya sa bisita." Pinagsabihan ni Trina ang daddy niya

Eto naman ako. Nanahimik nalang at ipinagpatuloy ang pagkain. Nakatutuwang makita si Trina na masaya at hindi problemado. Kaya eto, pulang-pula nanaman ang mga tainga ko.

"Gelopatootie. May lakad ka bukas?" Pagtatanong muli ni Trina

"Pupunta ako sa Bulacan. Dun sa bahay nina Nanay."

"Pwedeng sumama?" Tinanong niya, sabay na nagpacute sa akin.

"Oo naman. Basta isama mo sina Tito at Tita ah."

"Syempre naman sasama kami." Sagot ni Tita


———

Trina's PoV

Humayghad! Pupunta kami sa Bulacan! Ang saya naman nun. Tapos kasama ko pa si Gelopatootie. Sasama rin daw sina mommy at daddy. Excited na si akooo!

Tumigil yung kotse ni Gelo. Nandito na kami sa harap ng gate ng bahay namin. Sa wakas, makakakain na rin ako ^_^

"Nak, magluluto muna ako ng ulam ah. Manood muna kayo ng tv diyan." Sabi ng peyborit kong mommy (no choice ako eh)

"Uy Adventure Time oh! Diba favorite natin ito?" Tanong ng childish kong bespren

"Oo naman, Gelo. Hahaha. Buti naaalala mo pa."

Habang nanonood kami ng Adventure Time, dumating si Daddy na may dalang pagkain. Binigyan niya ako ng saging na may chocolate tapos si Gelo naman, mangga na may ketchup. Yun kasi yung favorite niya simula pa nung una.

Maya-maya, may tumawag kay Gelo kaya lumabas muna siya. Eto naman ako, nanonood pa rin ng Adventure Time. Tapos ayun, nagpalatastas yung Clarence. Magagawa ko? Cartoon Network eh ~.~

Pagbalik ni Gelo, mukha siyang nadisappoint. Edi ako, imbis na kulitin siya, nanahimik na lang ako.

———
Angelo's PoV

Habang nanonood kami ng Adventure Time ni Trina, tumawag si Papa kaya lumabas muna ako.

"A-anak, diba p-punta kayo rito?"

Opo, pa. Excited na nga po kaming makita kayo eh. Diyan kami lumaki. Nga pala, sasama raw sina Trina.

"Ah, mas mabuti sigurong huwag na muna kayong tumuloy."

Bakit ho, pa?

"Basta, anak. May inaayos lang kaming problema rito."

Per—

Pinutol na ni Papa yung call. Sinubukan ko silang tawagan ulit kaso pinatay niya na yung phone niya. Kaya bumalik na lang ako sa loob.

Maya-maya, tinawag na kami ni Tita para kumain.

Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa sinabi ko na sakanila ang balita.

"Hindi na raw po pala tayo makapupunta sa Bulacan." Sinabi ko

"Ay bakit naman, hijo?"

"Hindi nga rin po sinabi ni Papa kung bakit hindi tayo pwedeng magpunta roon."

"Ahh ganun ba."

"Sayang naman. Dun pa naman tayo lumaki, Gelo." Malungkot na sinabi ni Trina.

Paano ko kaya maibabalik yung memories ng childhood namin ngayong hindi na kami makapupunta sa Bulacan?

———
1 week later...

"Ang ganda dito sa Disneyland!" -Trina

—————
A/N:
HAHAHAHHA so yun po ano, after ilang decades, nakapag-ud rin ako. Di ko na kasi trip ituloy yung story pero ano eh. Wala. Gusto ko lang HAHAHAHAHA. Sa lahat ng naghintay, thank you ng maramiiiii😘
-panduhhlabs

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng Bitter sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon