Chapter 1: Trina

117 6 8
                                    

February 14, 2016

Hays, ayoko munang lumabas ng bahay. Baka langgamin ako eh. Ang daming nagdadate sa mall, sa park, sa lahat ng lugar. Wala na siguro akong mapupuntahan eh. Buti pa dito sa kwarto ko. Tahimik lang.

Maya-maya, biglang nagring yung phone ko. Sino kaya yung tumatawag? Si daddy, si mommy, si insan Jade, si bestie Annie at si tita Jhea lang naman nakakaalam ng number ko. Imposible naman na si daddy o si mommy yung tumatawag kasi nandun lang sila sa sala. Hindi rin naman pwede na si Annie o kaya si Jade yun. May kanya-kanyang date yung mga yun eh. -__-

Nung tinignan ko kung sino yung tumatawag. Tinignan kong mabuti yung number. Teka, di ako pwedeng magkamali. Si Drew yung tumatawag, yung hayop kong ex. Langya ahh! Sagutin ko ba? Hays, sige na nga.

["Pwede ba tayong mag-usap?"] nag-uusap naman na kami, diba? (-_-")

"Paano kung ayoko?" ay syempre naman tinarayan ko siya. Wahaha. May karapatan akong magtaray, niloko niya naman ako dati eh.

["Please?"] ano yun? Dahil lang sa please niya, papayag na ako? Hmp. Asa siya.

"Bakit mo ba ako gustong maka-usap?" waa! Syempre tatanungin ko muna ahh. Hehe.

["Gusto ko lang makipag-ayos sayo. Gusto kong magpa-sorry sa mga nagawa ko sayo noon. Di ko naman sinasadyang lokohin ka eh."] di niya sinasadya? Nagpapatawa ba siya?

"Sa tingin mo ba, mapapatawad lang kita ng ganun-ganun lang? Pagkatapos niyo akong lokohin ng tinuring kong bestfriend?! Bakit ka naman makikipag-ayos sakin?! Makikipag-ayos ka sakin tapos lolokohin mo niyan ako ulit?!" hindi ako tanga noh! Hindi na ako tanga!

["Please. I'm so sorry sa mga nagawa ko. Pinagsisisihan ko na lahat ng mga nagawa ko noon. Yung tungkol kay Jessa? Wala na kami, matagal na."] yun naman pala ehh, kaya siya nakikipag-ayos sakin dahil wala na sila ni ex-bestfriend

"Ahahaha. Kaya mo ba ako tinatawagan ngayon dahil wala na kayo ni Jessa? Dahil wala kang ka-date ngayong Valentines? Ahahaha. Kawawa ka naman." hays, nagtataka na tuloy ako ngayon kung bakit ako nafall sakanya. Nakakatawa siya ah. Iniisip niya sigurong mahal ko pa siya. Waa! Hindi noh! Ahahaha eww!

[Oh shut up! Hindi kita tinawagan dahil dun noh! Marami akong pwedeng makadate ngayon, kaya pwede ba?! Ako na nga itong nagpapasorry, ayaw mo pa? Diba ikaw nga itong baliw na baliw sakin?] enedew? Ahahaha, asa nanaman siya. Di ba talaga siya marunong magpanggap? Ahahaha nilabas niya na agad yung totoong ugali niya. Ahahaha.

"Waa! Ikaw na nga lang yung mag-shut up diyan! At FYI, hindi ako baliw na baliw sayo noh! Pwee! Ahahaha nakamove on na ako sayo noh! Wala ka nga lang talagang makadate. Di ka naman kasi gwapo eh. Feelingero lang. Ahahah. Kung wala kang makadate, wag ako yung tawagan mo. Ahaha. Marami namang iba diyan ahh. Oh sige na nga. Bye na. Don't me, dude! Ahahaha" nakamove on na kaya ako sakanya ahahah. Natatawa tuloy ako. Kawawa naman siya, iniwan na at wala pang kadate. Ahahahaha.

By the way, di niyo pa pala ako kilala. Hehe. Peace. Nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Jaimie Kathrina Dizon Clemente. Ang tawag nila sakin ay Trina, Jai, Kath, Yna, at JK. Ang dami ko palang nicknames noh. Hindi ako maganda, hindi rin maputi, at hindi rin swerte sa pag-ibig. Simple lang naman ako eh. Medyo boyish ako pero wala akong hilig sa sports. Sobrang clumsy ako eh. Ang gusto ko lang gawin, ahmm... kumain, kumain, kumain at kumain. Wahahaha de joke! Mahilig din naman akong kumain, ay ahaha, kanina ko pa binabanggit yung pagkain, sorry na agad. Gutom ako eh. Mahilig ako sa music pero sa kasamaang palad, hindi maganda yung boses ko. Huhuhuhu.

'Medyo' bitter ako pagdating sa usapang pag-ibig. Madalas din akong humugot. Lagi nalang kaya akong niloloko. Hays, ewan ko ba. Matalino naman ako ah. Tanga lang talaga sa pag-ibig. Ayan tuloy, sugatan na yung puso ko. Huhuhu.

Diary ng Bitter sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon