[MAE POV]
Gabi na din ng makarating ako, naabutan ko pa nga silang nagkakantahan at nagiinuman.
"Oh, Mae andyan ka na pala. Upo ka muna." Sabi ni tao habang hinahampas yung upuan na parang sinasabing dun ako umupo
"Oo nga upo ka muna!" si baekhyun
Tapos yung iba nakatingin lang na parang nagaantay ng sagot ko. Uupo na sana ko ng maramdaman kong may matang galit na nakatingin sakin.
Paglingon ko si Sehun, na sinasabing sige subukan mo! Ano nanaman kayang problema nya?
"Ay nako, next time nalang maaga pa kasi ko bukas." Sabi ko ng umiiling iling pa
"Ay ang KJ!" si baekhyun
"Ganya ba kami kahina sayo Mae?" Nagdadamdam na sabi ni lay at umiiling iling pa
"Hayaan nyo na ganyan pala sya" Si chanyeol
Tumingin ako kay kai at saktong nakatingin din to sakin, ngumiti lang to sakin
"Kung ayaw wag pilitin baka isipin nya gustong gusto natin syang makasama" Sabi ni sehun habang nakakandong sa kanyan si chi-chi yung aso nya
Ay grabe! Halata naman ayaw nya ko dun tapos kung makapagsalita sya akala nya nagpapapilit lang ako.
Bumuntong hininga nalang ako tsaka ko umakyat sa kwarto. Naglinis muna ko ng katawan bago ko mahpalit ng pangtulog.
Humiga na din ako at unti unti na ding bumugat yung talukap ko.
KINABUKASAN
[LUHAN POV]
"San ba tayo kakain?" tanong ni kris
"Sandali ah! Naghahanap nga diba. DIBA? Kris?" Sarcastic na sagot ni lay
"Oh xiumin baka naman may isusuggest ka?" tanong naman ni lay sa tahimik na si xiumin at hindi manlang nagsasalita simula kanina, lagi namang ganyan yan eh
"teka bakit di nalang tayo dun?" turo ko sa isang cafe. Mukang bago pa, ngayon ko lang kasi to nakita dito.
"Oh tara!" yaya agad ni lay at nauna ng naglakad
"Basta talaga sa kainan mabilis ka!" si kris
Sinamaan lang ng tingin ni lay sa kris
Pumasok na kami at naghanap ng bakanteng upuan, ang aga pa pero ang dami ng tao
Ng makaupo kami agad naman kaming umorder.
**
10 minuto na ang nakalipas pero wala pa din yung order nain. Ang tagal nagugutom nako. Nilibot ko nalang yung mata ko sa cafe
Nang may makita kong pamilyar. Hindi ko alam kung si mae ba yun o hindi nakatalikod kasi to samin.
"Ang tagal naman ng order natin gutom na gutom nako" sabi ni lay na kumakamot pa ng ulo
"Lay please kahit ngayon lang tigilan mo yang katakawan mo" sagot ni kris
Nagtawanan lang kaming apat
Tinignan ko ulit yung babae at sakto namang humarap to at nalaman ko ngang si mae pala talaga.
Napansin kong napatingin sya sa pwesto namin pero agad din nya itong binawi hindi nya siguro kami nakilala. Pano ba anaman nya kami makilala eh nakahood na nakacap pa kami na halos ilong at bibig nalang ang kita.
BINABASA MO ANG
Love will lead you back (EXO)
FanfictionI made it on my own. All scenes are not true. Inuulit ko All scenes are not TRUE! Lahat ng ito ay produksyon lamang ng aking magulong utak. Basta sama sama nating mahalin ang ating mga bias. ♥ enjoy!