Chapter 12

10 2 0
                                    

[AYA POV]

Kakapasok palang namin ni mae ng makita namin si sir yung manager ng cafe

"Good morning po sir." bati ko sa kanya agad naman tong napalingon sakin at ngumiti.

Napatingn sya kay mae, siguro nagulat din to. Ang alam kasi dito may sakit sya at isang linggo syang di makakapasok.

"Oh mae, akala ko may sakit ka? Bakit pumasok ka pa?" tanong nya kay mae

"Okay naman na po ako sir." si mae

"Galing siguro mag-alaga ni suho." bulong ni sir sabay ngisi

"Ano po yun sir?" tanong ni mae hindi nya siguro narinig, ako kasi rinig na rinig ko andito ko sa likod ni renzo yung manager namin. Umiling iling nalang ako at naglakad papapunta sa locker room namin.

May locker room kasi kami dito dahil dito nakalagay yung mga uniform namin.

Hindi pako nakakadating sa locker room namin ng may makabangga akong babae

"sorry po ma'am" nakayuko kong sabi tsaka ko pinagpatuloy yung paglakad ko

Pero napahinto ako ng biglang hablutin nya yung braso ko.

"Ano? Pagkatapos mo kong bungguin. Lalayasan moko?" nakataas kilay nyang sabi

"Kaya nga sorry di'ba?" sagot ko din. Umagang umaga inuumpisahan nya ako

"You're sorry is not enough!" nakasigaw nyang sabi sakin kaya napatingin na yung ibang tao sa loob ng cafe.

Kalma Aya. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa, Maganda naman sya at mukang may pinagaralan pero wala sa muka nyang agaw eksena pala sya.

Hindi ko nalang pinansin at tinuloy ko yung paglalakad ko dahil kahit papano costumer pa rin naman sya, pero bigla nya ulit hinila yung braso ko.

"Ano? Hindi ka mapansin?" mahina kong sabi sa kanya paglingon ko sa kanya sabay bawi ng braso ko, at naglakad na. Sumisigaw pa sya pero hindi ko na sya pinansin.

Attitude si ate. Bumuntong hininga nalang ako at pumasok sa locker room.

[MAE POV]

Pagpasok ko sa Locker room naabutan kong nagbibihis si Aya kaya nagbihis na rin ako.

"Hoy babae ano yan?" tanong ni aya sakin habang nakaturo sa paso sa dibdib ko.

Nagulat ako kaya napatakip ako sa dibdib ko. Tsaka ko hinila pataas hanggang leeg yung tube ko. Para takman yung paso sa dib dib ko.

Nasanay na kasi ko, lagi naman kaming ganito. Wala na kaming ilangan dahil parehas naman kameng babae.

Lumapit sya sakin at pilit nyang tinanggal yung kamay ko.

"Sabi ko ano yan?" tanong nya ulit ng matanggal nya yung tube na nagtatago ng paso ko.

"Paso nga diba?" sagot ko din

Binatukan muna nya ko bago sya nagsalita

"Alam kong paso yan may mata din ako, i mean saan nanggaling yan? Bakit may ganyan ka?" sunod sunod nyang tanong sakin

"Ewan lang." Yun nalang yung nasabi ko dahil hindi ko din naman alam kung paano ko sasabihin kay aya yubg nangyari.

"Akala ko pa naman bestfriends tayo tapos naglilihim ka sakin."  sabi nya tsaka sya naglakad palabas, Hinila ko naman sya. Nangunsensya pa eh,

Sinabi ko sa kanya lahat. Yung pagtabig ng gf ni chanyeol sa bowl na hawak ko kaya natapon sakin.

"Eh walang hiya pala talaga yang babaeng yan. Sino ba sya sa akala nya ha? Iharap mo nga sakin yan papatikimin ko lang ng isa." sabi ni aya

Kahit kelan talaga warfreak sya. Yan ang dahilan kung bakit ayaw kong sabihin sa kanya.

Hinawakan ko lang sya sa balikat. "Ano ka ba. Tapos na yun, okay na nanaman ako."

"nako mae. Ewan ko sayo!" sabi nya sabay irap sakin at labas ng room.

Kinuha ko muna yung mop ko at tsaka ko lumabas at dumeretso sa CR. Kanina pa kasi ko ihing ihi.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa isang cubicle agad akong umupo sa toilet bowl, nakarinig naman ako ng pagsara ng pinto sa kabilang cubicle.

"Oo naman. Ako pa? Eh napakadali naman kasing paikutin nyang si chanyeol. Hahahahahahahaha!"

...

"Wag ka nang magalala ang kailangan mo nalang gawin ngayon ay mag hintay, maghintay sa pagbagsak ng Exo ang pinakamamahal nyang grupo. HAHAHAHAHAHA!" Tawa nya ng pagkalakas lakas.

...

"Wala naman siguro tayong magiging problema, eh pakitaan ko nga lang konting legs yun. Gagawin na nun ang lahat ng gusto ko."

Narinig kong usapan sa katabi kong cubicle.

Nakarinig naman ako ng pagbukas at pagsara ng pinto. Siguro nakalabas na yung nandito sa katabi kong cubicle kaya nagmadali din akong lumabas para malaman ko kung sino yung babaeng yun.

Pagbukas ng pinto napatigil ako at napatingin sa isang nakatalikod na babae sakin. Nakaharap sya sa salamin at nag li-lipstick. Tinignan ko yung babae sa salamin. Kaya napatingin din to sakin.

Y-yung girlfriend ni Chanyeol?

Lumingon to sakin at ngumiti sakin tsaka lumabas na ng restroom.




****

Lovewillleadyouback
-Skamillas_99

Love will lead you back (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon