Chapter 4

30 3 1
                                    

[MAE POV]

Kanina paggising ko wala na dito yung dose. Wala naman akong pasok ngayon kasi day off ko.

Naisipan ko nalang maglinis eh pano ba naman lumot nalang ata kulang dito, Hahahahahahaha!

Actually malaki yung bahay, may 8 na kwarto sa taas. ang alam ko dalawang tao sa isang kwarto tapos sakin yung isa, yung isang kwarto naman hindi ko alam kung anong laman.

Inuna ko muna yung kwarto kong mukang nasabugan. Grabe kababae kong tao tapos ganito yung kwarto ko? Nakakahita naman. hahahaha

Sinunod ko na yung baba, ayoko namang pakialamanan yung mga kwarto nila dito. kahit hindi naman nakalock, Baka kung ano pang isipin nila sakin.

Nilinis ko na yung C.R tapos nagwalis ako at nag mop tsaka ako nag vacuum ng carpet.

Pinalitan ko na din yung mga kurtina dahil puro alikabok na din.

****************

initsa ko yung sarili ko sa sofa sa sobrang pagod.

Hay! Naalala ko nanaman yung mga unang buwan ko dito. Hindi ako lumalabas pag alam kong nandito sila. Hahahaha ngayon ko lang naisip muka pala akong tanga.

Nahihiya pa kasi ako sa kanila that time, tapos ang kumakausap lang sakin nun si Tao at Baekhyun bukod kay Kai syempre.

Pero yung una ko talagang napansin dito si Sehun. Para kasing lagi syang galit at nakakunot ang noo sakin.

One time nga nung masaya silang naguusap, dumaan lang ako ang sama na ng tingin nya sakin. Hindi ko nga alam kung may galit ba sya sakin. Lagi naman syang ganun sakin eh, hindi ko na nga lang din pinapansin. Mahirap na baka mapalayas ako dito. Hahahaha

Si chen naman sya lang ang tumutulong sakin sa pagluluto at paghuhugas ng plato dito sa bahay. Siguro nga ang swerte ng babaeng mamahalin nya.  Chos! haha

Si D.O naman ang hilig makipagharutan kay chanyeol pero pag sya naman ang inasar pikon naman pala. Hahaha

Kay Baekhyun nga siguro pati alikabok mahihiyang lumapit sa kanya sa sobrang linis nya sa katawan, kahit nga minsan naka white t-shirt at shorts lang sya ang neat nya parin tignan. Lagi pang ang bango, Pero hindi ko sya inaamoy ah! 

Oo na sige minsan lang. :)

Kala luhan naman at sehun nagtataka ko pano ba naman kung hindi dila parehas ng shirt parehas sila ng shoes.

Hindi kaya bakla si luhan?

"Ay bakla si Luhan!" Pasigaw kong sabi ng sundutin ni Kai yung tagiliran ko. 

Napatingin ako kay Kai. At ayun tawa ng tawa

"Hindi ba maalis sa isip mo si luhan?" nakangiti pa nyang sabi sabay sundot ulit sa tagiliran ko.

Napabangon ako at napatakip sa bibig ko.


"Did i hear it right o nagkamali lang ako? You call me gay?" Tanong ng kakapasok palang na si Luhan

Teka nasabi ko ba?

Arghh!

Ang tanga mo Mae! Si kai kasi eh bigla bigla nalang nanunundot ng tagiliran ng may tagiliran! Kasalanan nya to eh.

Pagtingin ko yung dose nandito na lahat sa harap ko.

"Gusto mo lang atang magpahalik sakin eh? sabihin mo lang I'm willing" Sabi pa ni Luhan sabay kindat

"Nice one pare!" Sabi ni baekhyun tapos nag apir apir pa sila

"A-asa ka!" Sabi ko sabay tayo at akyat sa kwarto

***************************************************************************************************************
[ MAE POV ]

Nasabunutan ko yung sarili ko sa karumaldumal na nagawa ko kanina. Hahahahaha nakakahiya!

(RINNGGGGGGGG!)

naputol ako sa pagiisip ng kahihiyang nagawa ko kanina ng magring yung phone ko, agad ko namang kinapa yung bulsa ko at kinuha ko yung phone ko. Tsaka ko sinagot

 "Hello? Anak kamusta ka naman diyan?" Si nanay Loida pala

"Nay, wag nyo na po akong intinihin dito. Okay na okay po ako. 

Kayo ho ba nay? Wag nyo hong pababayaan ang sarili nyo, Lagi nyo pong inumin yung mga gamot nyo. Kumain po kayo sa tamang oras, aalagaan nyo po yung sarili nyo." sagot ko

"Oo anak, magiingat ka jan" Sabi ni nanay

"Opo" sagot ko

"Osige na hija, Mahal ang tawag diyan e."

"Osige ho. magiingat kayo" Sabi ko tapos binaba na ng nasa kabilang linya

Naligo nalang ako at nagbihis. Shorts na hanggang tuhod at grey v-neck lang sinuot ko. Tumingin ako sa salamin. Skateboard nalang ata kulang sakin eh, hahahaha






*****

Salamat sa patuloy na pagbabasa!

Vote and leave a comment. Thanks! Labya.

Love will lead you back
Skamillas_99

Love will lead you back (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon