Mission: AIDES

7 0 0
                                    

Location: UNYX Library, 2 p.m.

-Downloading Files 100% Complete-

Good! Now Let's see...


*Click on File Named AIDES


Name: ??
Age: between 18-20
Sex: male
Height: 160

*Click on Image: attached file

Agad namang lumabas ang mangilan ngilang picture ng isang lalaking nakahood, Paglalabas masok nito sa isang bar at ganon din ang mga kasama nitong babae at lalake.

Description:
-Skull ring on the right hand

Last seen at: BIG BAR. JUNE 20XX, 2 a.m.

Last seen with: Bettina Rosales. Near UNYX Gate 2. AUGUST 20XX, 9 a.m.

*Clicked Bettina Rosales

Ohh.. So taga-dito din si Bettina. Nag-aaral din kaya dito si AIDES?

Patuloy kong binabasa ang mga impormasyong nahanap tungkol kay AIDES. At tingin ko, isa siya sa mga nag-aaral sa UNYX.

Sa ngayon ay si Bettina Rosales muna ang babantayan ko. Madalas kasi itong nakikita kasama ni AIDES.

---
Location BIG BAR, 1:30 a.m.

Nagbabaka sakali akong makita dito si Bettina at di AIDES. Pero mukang wala sila ngayon dito. Tuwing Martes kasi ng una at huling buwan sila nakikita dito sa bar na ito.

Natigil ako sa aking pagmumuni muni ng biglang maglapag ang bartender ng isang baso.

"I didn't order anything" Alma ko sa kanya.

"Ahhh. Mam, pinapabigay po yan. Don't worry po mam, binayaran na po yan" Ikinataas naman ng kilay ko ang sinabi niya.

At sinong magkakainteres sa babaeng naka-tshirt at pantalon na pumasok sa loob ng bar?

"Who ordered it?" Balik tanong ko naman sa kanya.

Hindi pa man nakakasagot ang bartender ng biglang umupo sa tabi ko "Easy kitten. I'm Lou Angeles and you are?" Sabay abot nito ng kamay para makipag-shake hands.

Ikinataas naman ng kilay ko ang kakaiba nitong ngisi sa muka. Tumayo ako para umalis pero pinigilan niya ako.

"Hindi mo man lang ba tatanggapin yung inorder ko?" Tanong nito sa kin

"What do you think?" Balik kong tanong sa kanya.

"Ahh, So its a No-"

"Now you realize. That's a good sign" Putol ko naman sa sasabihin niya, at madaling umalis sa counter.

"Hey wait! Why so feisty?" Habol nito sa akin. Sa totoo lang, ano bang kailangan nito sa akin?

Hindi ko naman siya pinansin pa at nagdirediretso lang palabas.

Bigla naman akong napatigil sa nakita ko.

Itim na van at pareho ang plate number na gamit niya.

Siya din namang baba ng isang lalaking nakahood at may kasama itong babae

Si Bettina!

Napatigil naman ako sa pagiisip ng may biglang humawak sa balikat ko.

Hinarap niya ako sa kanya "Hey kitten, Do you know kung sinong tinakbuhan mo?" Seryoso itong nakatingin sa akin.

"No. It's none of my business. Not interested" Plain kong pagtanggi sa kanya. Kailangan kong habulin si AIDES. Medyo malayo na sila.

Tatakbo na sana ulit ako ng pigilan ako ulit ng isang kamay. Tiningnan ko kung naman and guess what, it's Lou. Again!

"Hey! What's with you?! I told you I'm not interested! Can you please leave me alone?!" Atat kong reklamo sa kanya habang maya't maya na sinusulyapan ang dinadaanan ng dalawa. Shit! I can't lose this opportunity.
****

The Life Of A NoraWhere stories live. Discover now