Threatened

6 0 0
                                    

Location: UNYX. 10 A.M.

-JACK-

Gaya ng inaasahan, late akong nagising dahil sa mga kaganapan kagabi.

Ang 8 a.m kong pasok, naging 10 a.m. Dahil din sa puyat.

Mapayapa akong naglalakad dito sa loob ng unibersidad. Alam kong late na ko, hindi nadin ako aabot sa klase dahil malapit naring ang break. Sa mga ganitong pagkakataon, mahangin, mapayapa, malilim, tahimik at maaliwalas, mapapalakad ka nalang talaga na para bang namamasyal ka nalang sa mall. Ano pa bang magagawa mo? Eh sa late ka eh.

Hindi pa man ako nakakalayo ay dinig na dinig ko ang ingay na nagmumula sa gate.

Sinabi ko ba kaninang tahimik at payapa? Ang bilis naman? Kanina lang pagpasok ko wala masyadong tao. O hindi lang talaga ako worth it para salubungin at tilian? You know why? Coz I deserve more, BEST.
Tingnan mo nga naman oh, nagagawa ng late. Kayabangan.

Napahinto ako sa pamamasy- este, paglalakad. Baka makakuha ako ng dagdag impormasyon para sa misyon ko.

Makikiusyoso na din sana ako, kaso nagbago ang isip ko. Gutom na ko. Hindi ako kumain kasi walang stock sa bahay. Tsaka, Ano pa nga bang maririnig mong ingay sa gate maliban sa mga sasakyan? Syempre. Eskandalo.

Haaay. Hindi ko talaga alam kung bakit kailangang tumili ng mga babae sa twing may makikita silang...
Alam mo na-
Kasuka suka. Joke!

Sa hula ko lalaki ang tinitilian ng mga babae diyan sa gate. Bakit? Bukod sa mga ipis at daga, ano pa bang alam mong titilian nila na makikita mo din sa gate? Diba?!

Ewan ko ba! Hindi naman ako ganyan? O abnormal lang talaga ko?

Sa tagal ng pagmomonologue ko, di napansin na nasa harapan na pala ako ng cafeteria.

Grabe. Nagutom ako sa daldal ko kanina.

Hindi pa man din ako nakakaisang kagat ay siya namang pagpasok ng isang babae na siyang ikinapukaw ng interes ko. Naiwang nakanganga ang bibig ko sa ere habang hawak hawak ang kutsarang may sandok sandok na ulam at kanin.

Eww! Gross! She look soooo uncivilized!

Saka lang din naalis ang atensyon ko sa babaeng dumating nong nakarinig ako ng complement. Note the sarcasm there.

Bago pa langawin ang mabangong bibig ko ay isinubo ko na ang nabitin kong pagkain habang tahimik na nililibot ang mata ko sa loob ng cafeteria.

How dare she use my face! Well not exactly my face, but you know, its like how I look in my previous mission. In short. My other identity.

Anong ginagawa niya dito? Dito din ba siya nakaassign? Shet! Alam ba niyang nandito ako?

Bigla akong nainis dahil sa ginawa ng babaeng yon.  Tumayo ako at simpleng lumapit sa mesang kinauupuan niya. May mangilan ngilang napatingin dahil nadin sa paglapit ko sa kanya. Pano ba naman. Ang ganda ganda ng lalapitan mo, tapos ikaw.. tss!

Binitawan ko ang hawak kong tray ng hindi pasadya, habang pinupulot ko ang mga kalat ay siya namang pagkakataon ko para bigyan siya ng mensahe.

I tap one of the legs ng table, sapat na para marinig at maansin niya. I used a morse code na alam kong maintindihan niya.

Ksabay ng mabilis kong pagbibigay mensahe ay siya naman ding pagtayo ko. Nagpangabot ang aming mga tingin. Base sa mga mata niya ay alam kong naintindihan niya ang gusto kong mangyare. Hindi pa man ako nakapagbabawe ng paningin ay tinaasan niya ako ng kilay at nginisihan.

Loko toh ah! Nakuha pa kong ngisihan? Punitin ko bibig niya eh.

***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 01, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Life Of A NoraWhere stories live. Discover now