Lou Angeles

9 0 0
                                    

Pag-baba ko sa kotse ay hindi ko padin mapigilang mapangiti sa ruwing naalala ko yung mga nangyare kagabi.

-flashback-

Location: BIG BAR, 1:00 a.m.

"Hey Lou, We're on our way" Bungad sakin ng magaling kong kaibigan sa cellphone.

"Tss. Kayo pa ba? Alam ko na yang mga style niyo. Basta bilisan niyo. Sayang naman! Madami ng nag-hihintay sa inyo dito" Nasanay nadin ako sa mga yun. Ilang taon na ba kaming magkaibigan? Nasabi ko pa sa sarili ko habang maayos na nagpa-park ng kotse.


Hindi pa man ako nakakababa ay naka-abang na kaagad ang mga babaeng kinulang ng sa tela ang mga damit na sa tantya ko ay nagtititili habang sinisigaw ang pangalan ko.

Tsk tsk. Bitches.

Ganito talaga tuwing martes dito sa BIG BAR.

Marami kasing katulad ko ang naghahang out dito.

Para sa amin, Tuesday means holiday!

Party till you drop!

Hindi na magbabago yun.


Dire-diretso akong pumasok sa loob at hinayaan lang ang mga babaeng sumasalubong, bumabati at nagpapapansin sa akin.

Hindi ko din naman sila kailangan. Kahit papano ay meron padin naman akong sinusunod na standards.

Papaakyat na ako sa 2nd floor ng bar, may makakasalubong nanaman akong babae.

Jeans?

Plain gray shirt,

and a running shoe?

Hindi ko mapigilang matawa sa itsura niya.

Tsss. This girl..

A lost kitten.

Habang papalapit ito sa akin ay kapansin pansin ang pagsimangot nito.

Mukang ding may hinahanap dahil sa ilang ulit na paglinga linga ito sa mga kwarto sa itaas.

Kung hindi pa siya lilingon sa akin, ay hindi ko pa mapapansin na nakarating na pala ako sa itaas, No. scratch that! Na nakalapit na ako sa kanya.

Gaya ng inaasahan. Nagkabungguan kami. Sapat lang para mapaupo kami pareho.

Kasalanan niya, hindi siya nakatingin.

Nauna siyang makatayo kaysa sa akin. At hindi ko din inaasahang aalalayan niya akong tumayo.

Nakakahiya? Oo, nakakahiya.

Nakakaramdam din pala ako noon?

Funny right?

Agad naman siyang nagsorry nung nakatayo na ako.

Pagkatapos noon ay umalis na siya.

Ni hindi nga niya ata napansin kung sinong nabangga niya dahil sa text na nareceive niya.

Baka gimmick niya yun para mapansin siya?

Haha. Not bad!

Gaya ng nakasanayan, hindi ko na pinansin pa ang babae ang nagtuloy tuloy sa reserve room na para sa amin.

Pagkabukas ko ng pintuan ay siya namang tunog ng cellphone ko na agad ko namang sinagot

"Oh? Nasan na kayo?" Pangunguna kong tanong sa kanila.

"Sorry pre! Something's up and I need to check on Serry" Haay ano pa nga ba.. Napabuntong hininga nalang ako sa pang-iindian sakin ng dalawa.

"Ok. May utang kayo sakin ah!" Pagbibiro ko nalang

"Tss. Noted. Sige pre!" Yun lang at pinatayan na ako ng g*go. Mukang nagmamadali talaga ang loko.

Wala naman na akong nagawa pa kundi ang bumaba.

Sa pagbaba ko, muli ko nanamang napansin ang babaeng nakapangalumbaba sa bar counter. Gaya kanina ay palinga linga padin ito na tila naiinip.

Naupo ako sa pwesto kung saan nakikita ko ang bawat galaw niya na malapit din sa bar counter.

May mangilan ngilang napapatingin at meron din kaunting may matitibay na sikmura na lumalapit sa kanya. Hindi naman na niya ako binigo dahil sa tuwing kakausapin siya ng mga ito ay binibigyan lang niya ito ng blangkong tingin.

*smirk
So nasa category siya ng mga rare type.

Mga goodgirl na mababait at loyal, pero palaging nasasaktan.

Tsk tsk tsk...

Pagkatapos niyang makipagtitigan sa mga ito ay babalik siya sa paglilinga linga, hanggang sa makalimutan na nito ang mga lalaking lumalapit sa kanya.

Kanina pa niya ako siguro hinihintay?
Maganda naman siya.
Simple.

Shoulder length brown hair,

Tamang tangos at laki ng ilong,

Pale lips?

Hindi man lang ba niya naisip na magayos man lang para mas lalong mapansin ko siya?

Hmmm. Baka kasama yun sa plano niya..

At ang pinakamisteryoso sa lahat,

Ang mga mata niyang kulay itim.

Blangko. Na para kang linulunod sa bawat tingin niya sayo.



Kasabay ng paglapag ng isang baso sa lamesa ay siya din namang kandong sa akin ng isang babae.

"Oh Look, who do we have here? How's your night Mr. Lou?" Tanong niya habang tila bata na nagdadraing ng maliliit na bilog sa dibdib ko.

Napangisi naman ako sa ginawa niya. "Let's drink! My treat" Pagaaya niya pa habang inaabot ang isang baso na may lamang alak. Agad ko naman iyon tinanggap.

Sabay naming inangat ang baso, at sa hindi ko malamang dahilan hindi ko tinuloy ang paginom sa laman nito.

Hindi naman din tinuloy ng babaeng ito ang inumin niya lalo kong ipinagtaka.

Hindi ko man mabasa ang ekspresyon ng muka niya, sa loob loob ko ay hindi ito maganda.

"Excuse me babe, I need to do finish something. Thanks for the drink, I will bring this with me" Agad kong iniwan ang lamesang kinaroroonan ng ko at nagdire-diretso sa bar counter na kinalalagyan ng nakasimangot at naiinip na babae.

Shoot! Muntik ko na siyang makalimutan.

Napangisi naman ako sa nakita at mas lalo akong napangisi sa naisip kong plano.

"Bro, can you please give this to that girl over there. The One wearing the gray shirt" Pakikisuyo ko sa bartender habang inaabot ang basong dala dala ko.

***

The Life Of A NoraWhere stories live. Discover now