Hinihintay

450 7 0
                                    

Sinabi mo na balang araw ay magiging tayo

Ngunit ikaw ay agarang sumuko

Ako ay lubusang nasaktan

Sa iyong di inaasahang pagliban

Wala na yatang maramdaman

Ngunit nagpupumilit lumaban

Ang aking puso'y patuloy na maghihintay

Sa pagbabalik mo hawak ang aking mga kamay

Tandaan mong hindi ko balak sumuko

Dahil patuloy kang nilalaman ng aking puso

Hindi kita bibitawan

Sapagkat ang puso ko'y mayroong ipinaglalaban

Damdamin ko'y hindi mamamatay

Sapagkat ikaw ay patuloy na hinihintay.

Live ItWhere stories live. Discover now