7

5.1K 120 0
                                    

Paggising ko ng umaga diretso na akong c.r para maligo. Late na ako napasarap ang tulog ko.
Sigurado tambak na naman ang trabaho sa office.

Kung pwede lang sana magresign ginawa ko na, pero hindi pwede dahil ako ang magmamana nitong kompanya ni papa. Kaya sa ayaw at sa gusto ko kailangan kong pag-aralan ang takbo ng kompanya.

26 years old na ako pero hindi ko pa rin alam kung ano ba gusto kong mangyari sa buhay ko.

Kung tutuusin kahit hindi na ako magtrabaho okey lang. Mayaman ang parents ko. Nakapagaral ako sa mataas na unibersidad.  May malaking kompanya si papa na yun nga ang gusto ako ang sunod na magpatakbo.

Nag-iisang anak lang ako.
Si mama lang ang kasundo ko sa bahay, palagi pa silang nag-aaway dahil daw sa katigasan ng ulo ko.

Elementary to college suki ako ng gulo.

Palaging pinapatawag ang parents ko.

Ewan ko siguro ganito talaga ako.

Badboy ang bansag sakin ng mga babaeng nakikikilala ko.
At mga nakakaone night stand ko.

Tropa ko halos lahat may asawa na. Under pa sila sa mga misis nila.

Ako na lang ang wala pa.

Eh sa ayaw ko pa siguro.

O kaya wala pa.

Hindi pa dumarating yung babaeng mamahalin ko.

Yung tamang babae para sa akin.

Nagseryoso naman ako, kay angel dahil akala ko siya na pero
Kung kailan nagseryoso ako tsaka naman ako ang ginago.

Ilang beses kong nahuling may lalaki.

Ano bang wala sa akin eh perfect naman ako.

Mayaman, gwapo, malakas ang appeal, may abs naman.

Kaya bakit pa siya humanap ng iba.

Simula nung nakipaghiwalay ako sa kanya, ilang beses siyang bumabalik pero hindi ko na talaga siya binalikan pa.

At simula nun gusto ko na din magseryoso sa buhay ko.

Matanda na ako para sa laro.

Kapag talaga nakilala ko na yung tamang babae para sakin hinding hindi ko na siya papawalan pa.

I will do my best para maging karapat dapat ako sa kanya.

Hindi inaasahang may "Ikaw".            COMPLETED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon