8

5.1K 124 0
                                    

Nasa kalagitnaan ako ng trabaho nung naaalala ko yung phone nung babae, nakalimutan ko palang icharge kagabi dahil nga kay angel.

Dali dali kung kinuha sa bag ko at ichinarge.

Mga ilang minuto swinitch on ko.

Nakita ko ang wall paper niya.

Isang Bata.

May screen lock kaya hindi ko mabuksan.

" May anak na pala siya at syempre asawa"
Sayang.
Bulong ko sa sarili ko.

"Pero baka kapatid lang niya"
Bulong ng isip ko.

"Umaasa ka talaga ano?"
Sabi nung utak ko.

"Masasaktan ka lang kapag umasa ka"
Sabi ng puso ko.

Mga 1hr ko din naicharge nung biglang may tumawag.

-"Ma'am liezle" ang nasa caller i.d.

Sinagot ko.

Hello ma'am bea ahmp hindi po dumating yung sundo ni rim baka puh pwede sunduin niyo siya kasi puh 11:30 uwi na pu ako.

Inexplain ko doon sa teacher na yun nga nasa akin yung phone ng mommy nung bata.

At baka pwede sa kanya ko isauli.

Sa kanya ko na lang isasauli, kesa doon sa babae eh baka kasama pa niya ang asawa niya masaktan pa ako.

*************

Pagdating doon sa school kinausap ako nung teacher ibnigay ko yung phone. Parating na daw yung tito nung bata siya daw ang magsundo.

Nakatingin lang sa akin si yung bata.

Naghello ako sa kanya.

Sabi niya." Ikaw poh ba yung daddy ko? Kamukha mo po kasi ang daddy ko? Kapatid mo po ba siya"?

Sabi ko naman sakanya.
"Hindi ako daddy mo. Asan ba ang daddy mo?

"Nasa heaven na poh kasama ni papa GOD"malungkot niyang sabi.

Ewan ko kung matutuwa ba ako o malulungkot.

Matutuwa kasi may pag-asa pala ako, pero mas nalulungkot ako kasi naawa ako sa bata.

Nagsmile ako at tinanung ko kung anong pangalan niya.

Rimalyn Natividad pala ang pangalan niya. At ang mommy naman daw niya ay Bea at ang daddy niya ay Raymond.

Kamukha ko nga siguro yung daddy niya kaya pati yung mommy niya napagkamalan ako.

Maya maya habang nagkwekwentuhan kami ni rim dumating yung tito niya.

"Kuya raymond?" sambit niya agad nung nakita niya ako.

"Gino, tito gino ang name niya" tito benjie sabat ni rim.

Ahh kamukhang kamukha mo kasi si bayaw"sabi niya.

Siguro nga may mga tao talagang magkakamukha" sagot ko.

Bago ako nagpaalam binigay ko yung calling card ko. Ang sabi ko baka sakaling kailangan niyo ng tulong.

Ihahatid ko sana sila pero hindi na daw at may inarkila daw siyang tricycle.

Nagpaalam na din ako kay rim.
"Sa uulitin rim nice to meet you.
Be a good girl ingat".

"Thank you tito gino nice to meet you din puh."
Sagot ni rim sabay wave niya .

Hindi inaasahang may "Ikaw".            COMPLETED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon