013

1.2K 80 181
                                    

Inang Reyna Byun sent a message to your group encantarantado

Inang Reyna Byun: ngayon ang itinakdang panahon upang piliin kung sino ang susunod na reyna ng Lireo

Jaemihan: ngunit Inang Reyna, hindi ko po inaasahan ang pangyayaring ito, hindi po ako nakapag-handa

Inang Reyna Byun: PASHNEA! DAPAT LAGI KAYONG HANDA. NGAYON PA LANG JAEMIHAN AY IPINAPAKITA MO NA SAAKIN NA HINDI KA KARAPATDAPAT MAGING REYNA NG LIREO

Jerena: hindi talaga karapatdapat si Jaemihan na pumalit sa iyong trono, Inang Reyna. nakikita naman nating lahat ang ka-iresponsablehan niya

Jisunglena: hindi mo dapat husgahan agad ang kilos ni Jaemihan, Jerena.

Inang Reyna Byun: tama si Jisunglena, Jerena. ipinapakita mo din saakin na hindi ka karapatdapat na pumalit saaking trono

Jerena: NGUNIT INA. AKO ANG PINAKAMATANDA SA AMING MAGKAKAPATID.

Inang Reyna Byun: HINDI SAPAT ANG PAGIGING PANGANAY, JERENA! MABUTING PUSO ANG KAILANGAN NG LIREO!

Dongnaya: kumalma ka, ina. ano ba ang kailangan naming pagdaanan upang mapunta sainyong trono?

Inang Reyna Byun: napakagandang tanong, aking anak na Dongnaya. simple lang ang inyong gagawin. hanapin niyo ang susi sa lagusan ng train to sm town at ibigay iyon saakin. ang unang makapagbigay ng susi saakin ay siyang magwawagi. nawa'y ang may mabuting puso at karapatdapat ang makakuha nito. pagbutihan niyo ang paghahanap, aking mga anak.

Mga Sanggre: opo, mahal na inang reyna

Lumipas ang mga araw at patuloy na naghahanap ang mga sanggre ng susi sa lagusan ng "Train to SM Town". Hayaan niyo akong ipaliwanag ang meron sa tren na iyon.

Ang "Train to SM Town" ay ang pinaka-mahiwagang tren sa lugar ng Lireo. Makapangyarihan ito at may gintong kagamitan. Pawang mga dugong bughaw o mga sanggre lamang ang nakakakita ng tren na iyon. Ang destinasyon ng tren ay ang SM Town― ang pinaka-mahiwagang kaharian sa lahat ng kaharian. Sa loob ng kaharian na ito ay ang mga bading na may magagandang loob. Ang hiwaga ng kaharian na ito ay hindi mahika o ano mang elemento, sa halip, ang hiwaga nito ay ang puso ng mga sanggre. Napakabubuti daw ng mga sanggre doon ngunit nakulong sila dahil sa isang trahedya. Isang trahedya na kagagawan ng mga tao sa Lireo, ngunit hindi nagtanim ng sama ng loob ang mga taga-SM Town. Ginawan ng mga sanggre sa SM Town ng mahiwagang pinto ang tren papunta sakanilang kaharian upang walang lapastangan ang makapasok at tinago nila ang susi ng pintuan na iyon sa lugar kung saan may mabuting puso lamang ang makakaalam, sa lugar ng JYP- joke. sa lugar ng NCT 127, ang pinakamakapangyarihang mga prinsipe na pinamumunuan ni Haring Taeyong. Tanging mga namumuno lang dito ang pwedeng makapasok kaya naman napakahirap pasukin ang kahariang ito lalo na kung ikaw ay may binabalak na masama at kung hindi ka kilala ng mga hari at prinsipe dito.

Makalaipas ang ilang araw ay bumalik si Jerena hawak ang susi ng "Train to SM Town". Nagulat ang lahat sapagkat hindi nila inaasahan ni si sanggre Jerena ang makakakuha nito.

Natuwa si Inang Reyna Byun sa ipinakitang katapangan ni Sanggre Jerena ngunit nagtaka siya kung paano nakapasok si Jerena sa kaharian ng NCT 127.

"Sanggre Jerena. Paano mo nakuha ang susi sa lungga ng mga NCT 127?" takang tanong ni Inang Reyna sa nakangiting si Jerena.

"Ako po'y kanilang pinapasok at inihandog ni Haring Taeyong ang susing iyan. Ayon sakanya, iyan daw ang susi sa Train to SM Town. Ako din ay nagtaka sa dali dali niyang pagbigay ng susi saakin, inang reyna." pagpapaliwanag ni sanggre Jerena sa kanyang Ina. napatango si Inang Reyna at itinaas ang susi.

"SIMULA SA ARAW NA ITO SI SANGGRE JERENA NA ANG REYNA NG LIREO. ANYAYAHAN ANG LAHAT SA MAGAGANAP NA PAG-KORONA SA BAGONG REYNA. PATI ANG MGA PRINSIPE SA NCT 127 AT BUKSANG ANG LAGUSAN SA TRAIN TO SM TOWN UPANG MAKADALO ANG MGA SANGGRE DOON." nakangiting anunsyo ni Inang Reyna. Lumapit siya kay Jerena at ngumiti "Magaling ang iyong ipinakita, Jerena."



"HINDI MAARI!" sigaw ni Jisung nang magising siya.

Phew panaginip lang pala. Nood pa ng encantadia, Jisung. baliw ka na.

sabi niya sa isip niya. nagsidatingan naman ang mga kaibigan niya na ani mo'y nakakita ng multo.

"WASH HAPPEN JISUNG?!" sigaw ni Renjun na trying hard mag-english.

"Wala! ― Daiyu noona! kanina ka lang umuwi?" nakangiting sabi ni Jisung dahilan para kilabutan ang mga kasama niya.

"D-daiyu?! diba patay na siya?!"

seat plan ♡ jisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon