Chapter 6

62 8 6
                                    

Chapter 6

"Do you want something to eat?" Tanong ni Kenji habang nasa loob kami ng restaurant. Kakatapos lang ng show kaya pinapasok muna kami para ayusin ang likod. Nag-simula narin ang after party.

"Cupcakes nalang." Tumango ito at umalis para kumuha ng gusto ko.

Pagkatapos magperform ng Klein ay sinalubong kaagad sila ng mga fans nila. They were congratulating them, hindi ako makalapit dahil sa dami ng nakikipag-usap sakanila. Maya-maya ay ia-announce na kung sino ang mapipili. It was very obvious who though.

Nang bumalik si Kenji ay may dala na itong plato na may iba't-ibang pastries kahit na cupcake lang naman ang sinabi ko. Umiling na lang ako at nagsimula ng kumain. Anne went home earlier, pagkatapos na pagkatapos ng performance ng Klein. I just nodded to her. I don't know, I don't feel like talking to her right now.

Nang sabihin na ready na ang likod ng restaurant ay pumunta na kami doon. Unlike earlier, may mga lamesa na doon, sa may harap ay ang mga alak at pagkain. Meron ding mga juice para sa mga hindi pa pwedeng uminom. Hinanap kaagad ng mata ko ang Klein ngunit hindi ko sila makita. Pati si Ate Lina at Kuya Zeren ay wala.

Nagpaalam ako kay Kenji na ngayo'y nay kausap na isang banda. Tumango lamang ito at sinundan ako ng tingin. Dumiretso ako sa studio dahil malakas ang pakiramdam ko na nandoon sila.

"Why didn't you tell us?!" Sigaw ni Ate Lina ang bumungad sa akin pagkapasok ko. Napatingin silang lahat sa akin. Nang makita ang ayos nila ay naguluhan ako.

Nakaupo sina Nathan, Evan at Liam sa sofa habang si Shin at Ice ay nakatayo. Sa harap nila ay si Ate Lina na nakapamaywang at mukhang galit na galit. Sa likod niya ay si Kuya Zeren na hinahaplos ang likod ng asawa. The atmosphere between them was heavy

"Am I missing something here?" Tanong ko nang nanatili lamang silang nakatingin. Lumapit ako at tinignan sila isa-isa.

"T," panimula ni Ice "Manager, we're..." Umiwas sila ng tingin sa akin.  Ilang ulit na tinangkang magsalita ulit ni Ice pero mukhang hirap ito. Pagkatapos ng ilang buntung-hininga ay tumingin itong muli sa mga mata ko.

"I'm sorry, T. We... we've decided to disband."

"P-pardon?"

"I don't get it. You'll be signing contracts a month from now! Bakit bigla kayong magdi-disband? Bakit ngayon? Bakit hindi niyo man lang sinabi?" Tuloy tuloy na tanong ni Ate Lina. Nanatili lamang akong nakatayo roon, walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko.

"Answer me?!" Mukhang konti nalang ay magwawala na si Ate Lina, pilit naman siyang pinapakalma ng asawa niya.

"I'm sorry, Ate." Sabi ni Liam.

"I don't need your apology. I want answers! Sige, kahit na sagutin niyo nalang ako. Hindi ko ipagpipilitan na manatili kayo but at least tell us the reason why!" Tuluyan ng naiyak ai Ate. Tumulo narin ang mga luha ko pero mabilis ko iyong pinunasan.

"Shin is leaving." Sabi ni Ice matapos ang ilang sandaling pananahimik. Natigilan ako roon.

Shin is... what?

Kinurot ko ang sarili ko. Maybe this is just a dream. Yes that's it. This is juat a dream, no, a nightmare. Paggising ko ay mawawala na ito. Paggising ko, tatawagan ko sila, kukumpirmahin na hindi pa sila magdi-disband. Na... hindi aalis si Shin. Pumikit ako at hinintay na tumunog ang alarm clock, hudyat na oras na para gumising.

Ngunit hindi iyon nangyari.

Pagkamulat ko ay nakatayo na si Shin sa harapan ko. Rinig ko ang pag-uusap ng iba ngunit hindi ko iyon maintindihan. Ang buong atensiyon ko ay nasa taong ilang metro lang ang layo sa akin.

"You're leaving?" bulong ko. Ni hindi ako sigurado king narinig ba niya iyon. Nakumpirma kong narinig nga niya nang sumagot ito.

"I'm going to my dad." His dad. Hiwalay ang parents ni Shin. His dad is in Japan.

"Why?" Hindi ito sumagot.

"Will you wait for me?" Natigilan ako sa tanong nito.

"Wait for me, Bella. Please." Niyakap ako nito. Bumuhos muli ang aking luha. Kumalas ako mula sa yakap nito at tumakbo palabas.

"Woah! Hey, wth what happened?" Pinunasan ni Kenji ang luha ko ngunit wala iyong silbi dahil patuloy lamang ang pagtulo nito. Nakita kong unti-unting dumilim ang mukha ni Kenji.

"Take me home, Kenji please. I want to go home." Tumango ito at inakay na ako papunta sa sasakyan nila.

The ride to home was quiet, tanging hikbi ko lang ang naririnig ko. I know Kenji has a lot to askes me but he kept silent. That's good. I don't think I can answer anything right now.

I'm still shaking. Paulit-ulit kong ipinipikit ng mariin ang mata ko, still hoping that this is all just a bad dream. Ngunit sa tuwing magmumulat ako at marerealize na totoo nga ito, sisikip na naman ang dibdib ko.

It all happened too fast. Ni wala man lang warning. Ni hindi man lang sila nagsabi ng kahit na ano. They were happy practicing, they were happy performing earlier. Wala man lang bakas na... titigil na sila.

"Good night, Bella. Rest well." Kinantalan ni Kenji ng mabilis na halik ang pisngi ko bago isinarado ang pinto. Ibinaba nito ang bintana at kumaway. Binigyan ko lamang ito ng maliit na ngiti bago pumasok sa loob ng bahay.

I cried all night. Hindi ko na alam kung anong oras na. Basta iyak lang ako ng iyak hanggang sa sumakit na ang mga mata ko. Tumunog ang phone ko, kinuha ko iyon sa sidetable at nakita ang mensahe ng mga miyembro ng Klein. I saw one from Kenji, too. Ang pinaka-recent ay kay Shin na sinend ngayon lang.

Kenshin Yu:
Are you coming tomorrow?

Kenshin Yu:
This might be the last. My flight's on Monday.

Kenshin Yu:
Can you tell him na... sa akin ka na muna ngayong araw?

When It EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon