#TLODE | Ch.2 - BACKPACK

47 13 8
                                    

8 Days after...

Habang papasok ako ng classroom, nagmamadaling pumunta si Christop sa'kin.

"Jack, Jack nagkausap na kami kanina ng crush ko." ang nakangiting sabi ni Christop. 

"Nagkausap kayo? ng crush mo? sino yung first year highschool?" Ang hindi siguradong tanong ko. 

"Oo si Harra, mag-uusap nanaman nga kami ulit mamayang recess." Ang masayang sabi ni Christop.

What the f*ck! Third year na kami, then papatol siya sa first year highschool? 'Di naman sa O.A ako, pero bata pa ang first year highschool.

Hindi ko naman sinasabi na matanda na kami but again first year highschool? Sabagay age doesn't matter, kung 'san masaya ang bestfriend ko susuportahan ko nalang.

R-i-i-n-gggg...... R-R-i-n-g-ggg.....

Recess time na, niyaya ako ni Christop na sumama sa kanya papuntang canteen upang makipagkita kay Harra.

"Huh? bakit? ayaw ko nga." Ang medyong sigaw na sagot ko. 

"Sige na Jack, meron kasi siyang mga friends na kasama. nakakahiya kung ako lang mag-isa. Pleasee." Ang pakiusap na sabi ni Christop. 

"Sige na nga, sasamahan kita, basta libre mo ako ng softdrinks huh." Nakangiting sagot ko.

B-u-rp-ppp..... Sarap talagang uminom ng malamig na softdrinks, habang nakaupo at nanunuod ako ng mga naglalaro ng basketball sa court, nag-uusap si Christop at Harra na kasama ang dalawang friends niya.

"Ang tahimik naman ng kasama mo Christ." sabi ng isang babae na kaibigan ni Harra. 

"Ah yan si Jack, bestfriend ko. Pinilit ko lang kasi yan na sumama dito." Pabulong na sabi ni Christop.

Kahit nakatingin ako sa mga naglalaro ng basketball, nakikinig ako sa mga usapan nila. Medyo napansin ko ung isang friend ni Harra na nakangiting tumitingin sa akin, at ung isang friend naman niya tahimik lang, masungit na parang mananapak kung merong kakausap at lalapit sa kanya. Ung tipong amazona na dudurogin niya ang mga buto mo at ipapakain sa asong may rabies. Sobrang ganda n'ya kaso mukhang mataray, sayang...

After recess, bumalik na kami ni Christop sa classroom na enjoy na enjoy sa usap nila ni Harra at mga kaibigan n'ya.

"Jack, nililigawan ko na si Harra." Ang masayang sabi ni Christop. 

"Talaga? go nakasuporta lang ako dito." ang mabilis na sagot ko.

Tinamaan na nga yata talaga ang bestfriend ko kay Harra. Mukhang may gusto din naman si Harra kay Christop, dahil wagas kung maka ngiti sa tuwing nag-uusap sila. Meron pa pala kaming battle of the band next month, dapat makaensaho na kami.

And the nextday...

Papasok na kami ng mga barkada ko sa classroom after namin maglaro ng dota sa net cafe nang napadaan kami sa room ng first year St.Therese, biglang may sumigaw na babae. 

"Oie! gwapo lagi yang nakayellow!" Sabi nung babae na nasa St.Therese.

Napalingon ang bestfriend ko na si Christop habang hindi ko pinansin at tuloy-tuloy ako sa paglalakad. 

"Jack, Gwapo ka raw." Nakangiting sabi ni Christop. 

"Huh!? Ako? Gwapo? Hahahaha, Hindi ako yun." Pailing-iling na sagot ko.

"Ikaw lang ang nakayellow na suot sa atin eh." Ang mabilis na sagot ni Christop.

Mabilis akong naglakad papuntang classroom para hindi mapansin ni Christop na bigla akong napangiti sa sinabi n'ya, parang kinilig na ewan kung bakit, siguro dahil sinabihan ako ng gwapo? ako nga ba talaga ang sinabihan nung babae na nasa St.Therese ng gwapo?

To LIVE or Do EVILWhere stories live. Discover now