#TLODE | Ch.6 - THE BATTLE OF THE BANDS

27 8 7
                                    

Damnnn 6:38am na malelate na ako sa klase, ang sarap kasi ng tulog ko kagabi napapaginipan ko si Mary na magkasama kami. Bibilisan ko nalang maligo pero dapat lagyan ko muna ng supot ang kanang kamay ko upang hindi mawala ang haplos ng kamay ni Mary. Hahahahaha.

Bukas na nga pala ang battle of the band, dapat makapagpractice na talaga kami mamaya ng mga kabandmate ko. Sasabihan ko nalang si Mary mamaya na hindi ako makakasabay sa kanya pauwi.

30 minutes later.......

Just I expected, Nalate na naman ako, pero ok lang it's better to late than never. 

"Oh Jack, late ka na naman?" Aniya ni Manong Guard. 

"Haixt kaya nga chief." Ang mabilis na sagot ko. 

"Sasabihan ko talaga si papa mo kapag mag-inuman kami na lagi kang nalelate sa klase." Ang pabirong sabi ni Manong Guard. 

"Wag chief, magagalit 'yun, hahahaha." Ang pabirong saad ko.

Si papa at ang Guard namin sa eskwelahan ay magkaibigan, kaya sa tuwing nalelate ako merong sermon ang sasalubong sa'kin. Dahan-dahan akong naglalakad sa hallway ng room ng first year upang makita ko si Mary. Napasmile nalang ako bigla ng makita ko si Mary na nakatingin sa'kin. I mean hindi lang si Mary, halos lahat ng studyante nakatingin sa'kin. 18 minutes na akong late, so lahat ng studyante nasa kani-kanilang classroom na, kaya mapapansin talaga ako nang lahat sa tuwing nalelate ako. And the worst part is ang lapit lang ng house namin mula sa eskwelahan, diba ang saya? Hahahaha.

"Good Morning Sir, Sorry I'm late." Ang pagbati ko kay sir. 

"Oh Mr. Tradey lagi nalang." Ang mabilis na aniya ni sir. 

Dahan-dahan na akong umupo na parang walang nangyare. 

"Jack, Magpractice tayo mamaya? Bukas na ang battle of the band." Ang pabulong na tanong sakin ni Gerald. 

"Yeah Bro, mamaya after class magpapractice tayo banda kina Ron2x." Ang mabilis na sagot ko.

Hindi parin mawala sa isipan ko ang pagholding hands namin ni Mary, siguro inlove na ako sa kanya. Lagi akong tumatanaw sa bintana nagbabakasakali na masulyapan ko si Mary, Dapat mag-aaral na ako ng mabuti, nakakahiya kong malalaman ni Mary na pasang-awa lang ang mga grades ko. Ipapakita ko sa kanya na matalino ang boyfriend n'ya.

"Bro, musta na kayo ni Mary?" Ang tanong ni Christop. 

"Ok lang kami bro, sobrang saya. Hinatid ko siya kahapon sa may sakayan." Ang masayang kwento ko. 

"Nice, pumapag-ibig na rin talaga ang bestfriend ko." Ang nakangiting aniya ni Christop. 

"Inlove na nga yata ako kay Mary bro eh, kahit maldita at masungit siya, masaya naman pala siyang kasama." Ang seryusong wari ko.

"Pero paano yung crush mo? na si Jaely?" Ang pabulong na tanong ni Christop. 

"Speaking of Jaely bro, nakita n'ya kaming dalawa ni Mary na magkasama kahapon." tumango ako. 

"Huh? Talaga? Tapos anung nangyare?" Nanlaki ang mata ni Christop. 

"Tinanong n'ya ako kung girlfriend ko si Mary, syempre sinabi ko ang totoo sa kanya." Ang saad ko. 

"Awkward, Hahahahahaha." Ang masayang sabi ni Christop. 

"Awkward mo lang, pero mabuti nalang may ibang kausap si Mary kaya hindi n'ya gaanong napansin na nagkausap kami ni Jaely." Ang pahiwatig ko.

R-i-innnngggg.... r-R-Ringggg...... (Reccess Time)

Gustong gusto ko na talaga makita si Mary araw-araw, oras-oras, minu-minuto, sigu-sigundo. Sana lagi ko talaga siyang makasama at makita, kaso need namin magpractice mamaya for the battle of the band. As a boyfriend n'ya dapat malaman n'ya lahat nang mga gagawin ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To LIVE or Do EVILWhere stories live. Discover now