#TLODE | Ch.3 - CELLPHONE

31 12 7
                                    

SI MARY NGA!!!! HAHAHAHAHA!!! Biglang nabuhay ang dugo ko sa katawan, gusto kong magbackflip ng 780 degrees sa ere habang kumakanta, gusto kong sumigaw sa tuwa. 

Hindi ko pinahalata kay Dexter na tuwang-tuwa ako nung nagreply si Mary.

"Jack, ako magreply, sabi sayo kay Mary yan na number eh." Ang masayang sabi ni Dexter. 

"Ako na magreply Dex, baka niloloko lang tayo nito, mabuti na yung sigurado tayo." Pinaintindi ko kay Dexter. 

"Sabagay, sige Jack basta ikaw." Ang pagsang-ayon na sagot ni Dexter.

--------6:21pm------------

Si Jack po, ung friend ni Christop. Remember? :D

Message send to Mary

------------------------------

"Jack, sabi mo hindi kayo magkakilala ni Mary?" Ang nagtatakang tanong ni Dexter. 

"Siya kilala ko, pero ewan kung kilala n'ya rin ba ako. Nakasabay ko kasi si Mary nung pauwi kami ni Christop, si Harra at si Christop na kasi, kaya 'yun." Ang paliwanag ko kay Dexter.

"Ah, Ok Jack. Hmmm... Bakit parang umiba ang pakiramdam mo ngayon? kanina parang matamlay ka, ngayon biglang sumaya ka na. Crush mo din si Mary noh?" Ang seryusong nakangiting tanong ni Dexter.

"Ako? Magkacrush kay Mary? kulang nalang nga ng baril, susugod na sa gyera 'yun sa sobrang tapang." Ang pabirong sagot ko kay Dexter. 

Akalain mo same pa kami ng bestfriend ko na may crush kay Mary, sabagay hindi ko naman masisisi si Dexter, nakakabighani talaga ang ganda ni Mary.

T-i-nn-nent.... T-in-nenntt..... (Message ringtone)

"Jack nagreply na si Mary!" Mabilis na sabi ni Dexter. 

"Chill Bro! kung makaexcite, wagas? Hindi ka rin sasagutin ni Mary, mataray 'yun." Ang panira na sagot ko kay Dexter.

Hindi alam ni Dexter na kung excited s'ya dahil nagreply si Mary, mas doble hindi mas triple pa ang nararamdaman kong excitement nung tumunog ang cellphone n'ya.

--------6:23pm------------

Syempre naman, ikaw pa :D

Message received from Mary

-------------------------------

"HAHAHAHAHAHA! naaalala niya pa daw ako Dex! at may kasamang smile pa!" Ang masayang-masaya kong sabi kay Dexter. 

"Oh kilala ka daw n'ya, at nakakasigurado na tayo na kay Mary nga 'yang number, ako na ang magreply sa kanya." Ang paawang sagot ni Dexter.

"Mamaya na Dex, ako muna, magtingin ka muna ng mga stars sa langit." Ang nakangiting sagot ko. 

"Ang daya mo Jack, gusto mo din talaga 'yang si Mary ba at anung gawin ko sa mga bituin?" Ang malungkot na sabi ni Dexter. 

"Wala nga akong gusto kay Mary, baka s'ya ang may gusto sa'kin? hahahaha! Wait replyan ko muna si Mary. Bilangin mo nalang muna kung ilan ang mga bituin sa langit." Ang masayang pabirong sabi ko kay Dexter.

-------6:24pm-------------

Hehehe, musta na u? may tanong sana ako if ok lang sayo? :D

Message send to Mary

------------------------------

-------6:24pm-------------

Sure, kaw pa, itanong mo ang lahat ng gusto mong itanong Jack. :D :D :D

To LIVE or Do EVILWhere stories live. Discover now