Sobra

55 1 0
                                    

Sobra kitang minahal kaya,

Sobra kitang minahal hanggang sa nakalimutan ko ang katotohanan. Ako'y nabulag ngunit ito'y ipinaglaban. At napagtantuhang umiwas dahil wala akong karapatan.
Sa paningin ng lahat ako ang may kasalanan, pero hindi. Tayong dalawa lamang ang may Alam sa katotohanan.

Sobra kitang minahal kaya, naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko dahil kinalimutan ko ang mundo, ang mundong kay saya Sana pero kinalimutan ko para sayo. Pero ang mundong ito ay sinaktan ako, tinalikuran, sinasakal, sinaksak sa likuran na kahit masakit ay aking hinahayaan.

Hanggang sa naging tayo, masaya na may halong pagkatakot. Ako'y natatakot baka minahal mo lang ako dahil mahal kita, hindi yun ang gusto ko. Ako'y natatakot dahil tinalikuran mo siya, tinalikuran mo yung posible mong makasama habang buhay dahil lang sa isang pag ibig na walang kasiguraduhan, pag ibig na may pag aalinlangan.

Pero mali pala ako, mali palang hinusgahan kita. Dahil pinatunayan mo ang ang sarili mo, pinatunayan mong hindi pala lahat Tao ay manloloko, hindi nga manloloko pero pinapaikot ka sa katotohanang hindi naman totoo.

Sabi nga ng iba, ang buhay ay mapanlinlang pero hindi, mali kayo ng pinaniniwalaan dahil nasa sa atin ito kung paano natin ito panghahawakan. Ito'y nakabase sa ating puso't isipan.

Ikaw lamang ang nagbibigay sa akin ng ganitong pakiramdam na hindi ko maintindihan pero Sabi ng karamihan tinatawag itong pagmamahal. Isang pakiramdam na hindi mo mawari. Ikaw man ay nagbibigay sa akin ng lungkot, pananabik ngunit Hindi nito malalamangan ang binibigay mong pagmamahal.

Ikaw ang dahilan kung bakit ako gumigising bawat araw, ikaw ang kumukompleto sa araw kong nakakapagod pero nang masilayan ko ang mukha mo ay napapawi lahat ito at napapalitan ng ligayang hindi mo ipinagkait.

Sobra Sobra kitang minahal at hindi ko ito pinagsisihan at dahil Sobra kitang minahal, andito tayo matibay'ng pinanghahawakan ang ating pag iibigan na sana'y pang walang hangganan.

------
I've been working on this for days and now I'm done!!!!
092216

PoetWhere stories live. Discover now