pakiramdam

31 1 0
                                    

Pakiramdam ko'y biglang naglaho
Kasi paulit ulit na lang akong ginago
Hindi malaman kung saang banda nag kulang, na siyang pag dilim ng ulap at ang pagsabay ng buhos ng ulan, sa damdamin kong lubhang nasaktan.


Hindi mawari kung sa anong paraan ipahiwatig ang aking mga bugsong damdamin na hindi na niya pag aari. Na sa isang banda gusto ko pang manatili ngunit sobra sobra na ang sakit kung ipipilit

Sa huli aking napag tanto isa akong duwag na tangang mag isang kumakapit sa aking tinatawag na relasyon
Hindi malaman kung ano ang
magiging reaksyon

Kalaunan ako'y unti unting bumibitaw, hinanap muli ang sarili na minsan nang naligaw
Humanap, naka kita naging masaya hanggang hindi na nagawang
Magsawa

Iyon pala ang pakiramdam ng tunay na pag ibig
Hindi ko man lang natamasa noong una ko siyang nakapiling

Isang araw'y nakita ko siya sa kalayuan nag mamakaawang siya ay balikan
Huli na para ibalik ang pakiramdam, ako'y masaya at ramdam ang karapatdapat na pakiramdam na siyang tinatawag na pag mamahal

-------------
I really don't know how to do endings, at least I tried. I hope you liked it!
Fyi, It was just a sudden making that piece.
Thank you!

2017

PoetWhere stories live. Discover now