Chapter 9

1.1K 53 16
                                    

A/n: May mga nag-tatanong siguro sa inyo kung bakit wala namang nang-aapi kay Zabrina, kaya kanino siya mag-hihiganti? So ganito yun, ngayon palang mag-sisimula yung pang-aapi sa kanya & sa
Mga susunod pang chapters... Dedicated nga pala to kay four_almighty belated happy birthday!!!

Hannah's POV

"Tama ba yung rinig ko? Gusto mo maging friends tayo?" Tinanong ko kasi baka mamaya mali pala ako ng rinig eh...naninigurado lang...

"Oo, ayaw mo ba?" Yun so gusto niya nga makipag-kaibigan?

"Sige ok lang basta maging friends mo din yung friends ko...pero kahit friend lang kahit di ka masyado sumama sa amin...yung ka-close, kahit ganoon lang." Yan nilinaw ko na... Gusto niyo ba malaman yung plano ko?

Sa susunod na baka may mga madadaldal sa inyo eh ikwento pa kay Zabrina...ubos na pala ung cake ko...ano ba yan hindi ko napansin...pano? Kasi hindi pa rin ako busog...

"Tara balik na tayo sa class room." Aya ko...oo ako yung nag-yaya, para naman maka-abot ako kahit short time man lang sa clase.

Nung nasa tapat na kami ng pinto ng classroom namin...kumatok na ako...syempre kesa naman pumasok ako bigla diba? Parang walang galang naman ako nun.

Nung naka-pasokna kami sa classroom na pa-tingin sa amin lahat ng tao sa classroom, ganon ba talaga ako kaganda? Na lahat ng tao sa classroom tumingin sa amin pag-pasok ko? Char...

"Both of you, please introduce yourself in front of class." Sabi nung teacher namin. Ang ganda niya and sweet yung voice niya, sakto lang din yung height niya. And I think mga 25 pataas yung age niya. Dahil maganda siya, mag-papakilala ako ng maayos...kapag kasi hindi maganda yung teacher (yung ugali) hindi ako nag-papakilala ng maayos.

"Nicole Hannah Marie Santos, 14 years old" hahaha yan dahil kay maam alam niyo na surname ko.

"Ok, please sit behind Ms.Alexiz Cuenco." Pagkatapos niyang sabihin yun eh ngiti agad ako. Pero nakita ko si Zab na nakatingin lang sa akin ng walang emotion.

"Chris Fernandez 15 years old." Pakilala ni Chris. Hahaha napansin ko 3 na lang yung vacant chairs na malapit sa pwesto namin...so that means na si Clare at si Chris ay malapit sa akin.

"Mr. Chris please sit between mr. Nathaniel and ms.Hannah, behind ms. zabrina." Ano ba yan...tumutulong si tadhana sa plano ko.

"Hi bessy!" Bati ni Chris palang kanina lang kami nag-kita maka-hi akala mo ang tagal naming di nag-kita. Eto nga pala yung position namin:

Thea Zab Alex Ally May
Nat Chris Ako Clare

Dun sa likod ni May absent kaya vacant.

Nung tinawag ako na bessy ni Chris biglang napatingin sa amin si Zab at masama yung tingin...buti na lang hindi na nakatingin si chris. Hay nako nag-seselos na siya...

----------------------------

Thanks for reading!!

Grabe nasabit pa ako sa honor!! Hahaha grabe hindi ko ine-expect kasi hindi ako masyadong nag-aral mabuti pero nasama pa ako sa honor...hahaha akalain niyo yun...buti nga ngayon laging mataas yung scores ko eh...kahit hindi ako nag-rereview...hahaha pati po yung friends ko honor din share lang... ^_^ Love you all!!

Nerd's RevengeWhere stories live. Discover now