Chapter 11- success

1.1K 50 4
                                    

A/n: pambawi ko...mahaba-haba din to...hahaha

Zab's POV

Teka ano sabi niya?! Plano para paglapitin kami ni Chris?! Oh my gosh! Napaka-baliw talaga netong si Hannah. Pero sana nga...sana nga maging close kami ni Chris.

*3 months later*

3 buwan...3 buwan na pala kaming close ni Chris...oo nagtagumpay si Hannah sa plano niya, naging close kami ni Chris...at habang papa-lapit kami ng papalapit sa isa't-isa, unti-unti namang nagiging cold sa amin si Louise, hindi na sya tulad ng dati na laging nakangiti at lagi naming kasama...ngayon parang mas gusto na niyang kasama si Aien Sevilla, classmate namin na sikat sa pagiging maarte nito. Nakaka-miss din pala yung kakulitan ni Louise...

"Good afternoon ma'am Sally!!" Masiglang bati ng mga classmate ko, ang tagal ko na palang nag-iisip dito...well sanay naman yung mga kaklase ka na tahimik lang ako lagi eh.

"Ok class gusto ko lang sabihin sa inyo na bukas ay kukuha kayo ng special quiz para malaman kung sino ang dapat nating ipang-exchange student...kailangan niyong mag-review ng mabuti hah! This quarter you will get your extra curriculum, and as far as I know direct to the card yun. So any question?" Tanong ni ma'am. Nagtaas naman ng kamay si Angela.

"Yes ano yon Angela?" Tanong ni ma'am. "Ilan po ba yung kukunin at gaano po sila katagal papasok sa school na yon?" Oo nga naman, buti naisip niyang itanong yun.

"Before the prom nandito na sila, so by January nakabalik na sila dito. At kung ilan sila? Dalawa from grade 7-10 at puro sa pilot section lang sila kukuha. Kaya kung tutuusin ay napaka-swerte niyo. But it's not all about the grades, remember school niyo ang nirerepresent niyo." Paliwanag ni ma'am. 5 minutes pa bago ang break time namin pero sabi ni ma'am mag-early break nalang daw kami.

Inayos ko ang gamit ko para naman pag-dating ng next teacher namin ay maayos ang gamit ko. Palabas pa lang ako ng classroom nang bigla akong hilahi--more like kaladkarin ng isang heartrob papunta sa likod ng building. Sino pa ba? Siyempre si Chris.

"I want you to be my girlfriend." Deretso niyang sabi ng nakangiti ng nakakakilig at saka ako yinakap. Tapos ay tumakbo na siya palayo at iniwan akong nakatulala dito. Nang maka-punta akong cafeteria kumakain na si Hannah, Louise at si Clare. Tumabi ako kay Hannah. Pag-upo ko tinanong agad ako ni Hannah.

"Oh bat ngayon ka lang?" Tapos nung kunuwento ko sa kanya yung nangyari samin ni Chris hindi na nawala yung ngiti niya. Nang dumating si Ally at Alex umupo agad sila.

"Oh Hannah, parang ang ganda ng ngiti mo ah! Mind to share us the reason?" Tanong ni Alex.

"Eh pano kasi itong si Zab luma-loveli--" di na niya natuloy yung sasabihin niya kasi tinakpan ko yung bibig niya.

Kiniliti niya naman ako agad kaya nabitawan ko siya.

"Success ang plan ko guys. Sinabi ni Chris kay Zab na gusto niyang maging girlfriend si Zab" saktong pagkasabi niya non ay umalis si Louise at sinabing mag-ccr lang daw siya.

Si Alex at Ally aliw na aliw sa mga kinukwento ni Clare habang kami naman ni Hannah eh busing busy sa pag-uusap ng seryoso.

"Ano? Sasagutin ko ba siya?" Tanong ko kay Hannah. "Aba malay ko sayo." Putcha naman. -_- . "Kung ikaw nasa posisyon ko, sasagutin mo ba siya?" Tanong ko. Nagulat naman ako nang bigla siyang tumayo at sinenyasan akong umupo sa pwesto niya kanina tapos umupo siya sa upuan ko kanina. "Hindi ko pa rin alam kahit nandito na ko sa posisyon mo kanina." Aba hindi na ata talaga sasagot ng matino tong babae na to.
"Pero ito na lang, pakinggan mo yang tinitibok ng puso mo, kung mahal mo na ba siya o crush mo lang, pero kung naguguluhan ka pa rin...at di mo alam ang pwesto niya sa puso mo...dapat mag-tanong ka na sa isang love expert, wag sa'kin." Langya...alam naman pala eh pinatagal pa ang usupan. Buong break na hindi na bumalik sa cafeteria si Louise. Ano kaya nangyayari sa kanya? Lately nagiging cold na siya...ako lang ba ang nakakapansin o pati sila Clare na rin?

--------------
Thanks for reading! Sana nagustuhan nyo labyu all!!

Nerd's RevengeWhere stories live. Discover now