Chapter 15-the bullies

1.6K 67 54
                                    

Zabrina's POV

Dalwang araw na nung umalis sila Ally, miss ko na agad sila. Kung tatanungin niyo ako kung kamusta kami ng mga friends ko dito, well ayas naman kami nila Clare at Alex, pero si Louise hindi na talga, lalo na nung nalaman niya yung sa amin ni Chris, naisip ko lang baka naman kaya siya galit sa akin dahil hindi ko sinabi sa kanya. Kela Alex niya lang kasi nalaman eh. Eh kayo? Ano sa tingin niyo yung dahilan kung bakit nagalit si Louise sa'kin?

*kringgggggg*

Break na pala...hindi ko man lang napansin na tapos na yung mga discussion ni Sir. Luke. Absent si Chris ngayon eh kaya walang kumukulit sa'kin.

Tumayo na ako para ayusin ang gamit ko. Napansin ko kasing naayos na nila Alex yung gamit nila.

"Zab, una na kami ha? Baka kasi wala na tayong maupuan...hanapin mo nalang kami." Sabi ni Clare.

"Sige aayusin ko lang yung gamit ko." Sagot ko.

Nung makalabas sila inayos ko na yung gamit ko. Nagulat ako nang may kumalabit sa akin. Baka sila Clare...

"Oh, akala ko b--" di ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita kong hindi sila Clare iyon...walang iba kundi sila Aien at abg mga alipores niya. At kasama don si...Louise...

"Hi nerdy!" Bati sa'kin ni Jen. Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni Charise. Lagi na lang si Charise yung pumipigil sa'kin ano ba yan?!?

"Aalis na'ko hinahanap na ako ng mga kaibigan ko..." Sabi ko sa kanila. Bigla namang lumapit sa'kin si Chloe.

"Diba sabi ko sa'yo dati hindi pa ako tapos sayo?" Sabi niya...kinakabahan na'ko...

Napatingin akosa gawi ni Louise at tinignan lang siya at...nagulat ako nung imirap siya at lumapit sakin. Baka naman papatigilin niya na sila Chloe...hahaha sabi na nga ba eh, kahit di niya ako pinapansin bestfriend parin niya ako. ^_^

Nagulat ako nang bigla niya akong sinampal...

"Ba-bakit Lo-Louise? May ka-kasalanan ba a-ako sa-sayo?" Hindi ko na napigilan ang luha ko.

"Manhid ka ba talaga o bobo ka lang talaga? Kasi kung bobo ka lang talaga, hindi ako makapaniwala na Salutatorian ka nung grade 6!" Sigaw ni Louise sa mukha ko...walang ibang tao sa classroom ngayon kundi kami lang...

"Ano ba kasi ang nagawa ko sayo?!" Sigaw ko habang umiiyak.

"Hindi mo ba naramdaman na nung naging close palang kayo ni Chris umiwas na ko sayo? Kasi nga gusto ko si Chris!" Sigaw ulit ni Louise. A-ano daw? Gu-gusto niya si Chris?

"Anong gayuma ginamit mo sa kanya? Penge naman oh? Hahaha." Sabi ni Aien.

Akmang sasampalin ulit ako ni Louise nang may biglang pumigil sa kanya... Walang iba kundi si...



-------------------

Baka yung next update ko magfocus ulit kela Hannah at Ally...please vote and comment...thanks! Love you all!

Next update: Febuary 10,2016

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nerd's RevengeWhere stories live. Discover now