The Ate Charot Chronicles: Si Arnulfo at Ako

311 5 2
                                    

Ikalawang Yugto: "Si Arnulfo at Ako"

Dear Ate Charot,

Pagkatapos kong maligo, hindi pa rin ako humihinto sa pag-iyak. Hindi mawaglit sa isip ko ang masalimuot na pangyayari bago ko pumasok sa kubeta, idagdag mo pa ang malakas na pagkakauntog ko sa t*ng-*na@% bintanang yan!

Pilit kong pinigil ang pagpatak ng aking luha at inihanda ang sarili upang harapin ang panganay kong anak na si Jorgino. Marahan kong tinungo ang kanyang kinaroroonan. Naabutan ko siyang naglalagay ng gel sa buhok at sa kanyang tabihan ay makikita ang gabundok na hanay ng aming mga sapatos. Napa-jumpshot(1) ako ng bigla niya akong tignan.

Nakakasindak ang kanyang mga mata. Hindi mo na gugustuhing malaman kung ilang sapatos na ang kanyang nasinghot sa mga oras na ‘yon. Habang bumubula na ang kanyang bunganga at umiikot-ikot ang kanyang ulo’y agad akong nagpaliwanag ng may pagsisisi.“Anak, alam kong ikinahihiya mo ako dahil amoy baktol ako… pero sana naman maintindihan mo na sumabit lang ako sa napadaang trak ng basu...”

Naputol ang aking paglilitanya ng talikuran niya ako at magpunta sa labas ng kwarto. Naiwan ako at ang bentilador na patuloy sa pag-iling at pagbuga ng mainit na hangin. Tila nangungutya - ngumingiti ng pailalim sa lumuluhang babae na nuo’y nakatitig at nakatayo sa kanyang harapan.

Kinabukasan, nagpunta ako sa SM (Smokey Mall) upang bumili ng pabango. Hindi ko inaaasahan na makikita ko roon si Arnulfo. Noong una, nagtatago pa ako sa likod ng nakadispley na manikin ng pambatang kasuotan. Ngunit, hindi ako nakatakas sa malinaw niyang mata. Nabigla na lamang ako ng hawakan niya ang aking………

Siko.

Nagtinginan ang mga tao sa amin sapagkat hindi ko napigilan ang aking sigaw. Sa pagkakataong iyon, siya naman ang humingi ng tawad at dali-daling tumakbo, nakipag-isa sa mga mamimiling estranghero. Habang sumisigaw ako ng “Shiato(2)” ay agad ko siyang sinundan. Nagtagpo ang aming mga mata at nag-usap ito ng masinsinan.

Mga mata lang, hindi kasama ang katawan (for more privacy).

Tila asin sa mangga, asin sa tuyo, asin sa kili-kili, o asin mula sa mga luha ng nagtratrabaho sa pabrika ng asin, hindi mapagkakailang para kami sa isa’t isa. At katulad ng asin na unti-unting nalulusaw kapag hinahalo sa lutuin, nagsimulang mapalagay ang aking kalooban, at marahil ang aking puso… kay Arnulfo.

Matagal kaming naging matalik na magkaibigan Ate Charot. Ngunit isang araw ay naisipan kong sabihin ang mga pangyayaring nagpabago sa aking buhay. Akala ko’y maiintindihan niya ang lahat pero pinandirihan niya ako at sinabing: Madumi kang babae! Bakit ngayon mo lang sinabi ang lahat ng ‘to sa akin? Akala ko ba’y kaibigan mo ako pero hindi ka nagtiwala sa akin? Ang baho mo, may putok ka pala!!!”

Sa una’y sumasama lang ang pakiramdam hanggang sa sumuka ng walang humpay, tumae ng walang pasabi at dumugo ang aking ilong at mata. Tila nagkadengue ang aking damdamin. Hindi ko nakayanan ang buhos nang nakakalasong sakit nang tumalikod na si Arnulfo. Bago pa siya makalayo ng tuluyan, naisipan kong magpatiwakal. Kumuha ako ng bote ng hot sauce at inihampas ko ito sa aking ulo.

Nawalan ata ako ng malay. Ang tanging naaalala ko lang ay binuhat ako at para magising ay pinagsasampal nila ako.

Halo-halo na ang sakit na nararamdaman ko nung mga panahon na iyon— ang pagkutya ni Arnulfo, ang hapdi ng hot sauce sa mukha ko, ang pagsampal ng malaking kamay ni Jorgino, at ang pagngat-ngat ng napadaang daga sa paa ko.

Bwisit na daga yan, kapag nakita ko yan ay aadobohin ko siya!

Nagsisisigaw silang lahat dahil akala nila patay na ko. Ngunit hindi marahil sa pagdadalamhati kundi sa tuwa dahil sa wakas ay mawawala na ang pinakamabahong tao sa pamamahay na yon.

(Ipagpapatuloy…)

1. Jumpshot - eto yung nauuso pose kapag nagpipiktyuran

2. Shiato - lumang laruing bata na ginagamitan ng mahaba at maikling patpat. Magtanong sa mga nakakatanda kung paano ito nilalaro

The Ate Charot Chronicles: Ako si Tirisa by Sobee12Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon