Lumayas ka! Sampid! Ikaw ang malas sa pamilyang ito! Simula ng dumating ka sa buhay namin nagkandaletse-letse na ang lahat!
L-layasss!!!!
Hindi ko alam kung bangungot lang ang lahat ng ito, pero sana nga masamang panaginip lang! At paggising ko kinabukasan magiging normal na ang lahat!
"Ngunit hindi-"
Tinapon ni auntie lahat ang aking mga gamit sa labas ng bintana at pintuan. Para itong nadaanan ng isang ipo-ipo dahil sa subrang kalat nito sa bakuran!
"A-auntie tama na po m-maawa po kayo sa akin wala na po akong ibang mapupuntahan? Alam mo namang ikaw na lang ang pamilya ko dito."😟😟😢
A-auntie please..??nanginginig kung pinulot ang aking mga gamit na nagkalat sa lupa.At ang mas masaklap pa nito, ang lakas ng ulan! Basang-basa ang aking mga gamit at lumilitaw na ito sa putikan!
Dali-dali akong tumakbo sa may pintuan upang magmakaawa ulit kay auntie na huwag niya akong palayasin pero bigo ako.
"Isang malutong na sampal at sabunot lang ang tugon niya sa aking pakiusap."
"Anong maawa ang pinagsasabi mo hah?!! Matapos kitang kupkupin, pag-aralin at pakainin ito pa ang igaganti mo sa akin?!Pinatay mo na nga ang anak ko, pati asawa ko di mo pa pinaligtas! Pinatos mo pa! Mamamatay tao kana nga ahas ka pa! Kaya lumayas ka! Dahil kapag hindi na ako makapagpigil lalagariin ko yang leeg mo para mamatay kanang malandi ka!"
"Napatunganga ako!"
"Ang mga salitang iyon ang nakapagpapigil sa aking buong sistema!"Para akong kandila na unti-unting nauupos!
Napaluhod ako sa putikan!Hindi ko matanggap ang lahat ng pinagbibintang sa akin ni auntie.
"Hindi ko kasalanan ang lahat.Wala akong k-kasalanan!"
Hindi ko lubos maisip na ang paborito kung palabas sa t.v kung saan inaalila ang bida at sinasaktan ay pwedi din palang mangyari sa totoong buhay.
"And worst of all sa akin pa mismo!"
"Ito naba yung time na maglalakad ako sa ulan tapos pasan-pasan ang aking mga basang gamit na puro putik?
Nakatatawang isipin pero heto nga nanginginig ang aking mga tuhod na unti-unting humahakbang palayo sa bahay nila auntie. Para akong sisiw na nahiwalay sa isang ina sa gitna ng ulan.
"N-napakasakit-"
Napakasakit na ang mismong inaasahan at natitirang kadugo mo ang gagawa nito sayo!
"Sana namatay na rin lang ako kasama ng aking mga magulang at kapatid noon."
"Pagod na pagod na ako sa lahat ng hirap na aking dinaranas."Mabait naman ako simula't sapol pero bakit nangyari parin ito sa akin?
B-bakit??
Napahagulhol na naman ako sa sobrang pait at pighati. Sabayan pa ng malakas na ulan na kusang nakikipagkarerahan sa aking mga luha!
"Saan na ako nito pupunta?"....
.........
Flashback....
Noon, namuhay kaming buo at masaya ng aking pamilya. Lima kaming lahat na masayang naninirahan sa iisang bubong. Si mama, papa at ang dalawa kung kapatid. May kaya din kami sa buhay dahil sadyang masipag si papa at mama sa kanilang mga mumunting negosyo. Hanggang sa lumago na ito ng lumago.
Ngunit ang lahat ng iyon ay biglang naglaho na parang bula. Gumuho ang aking mundo dahil sa ka lunos-lunos na sinapit ng aking buong pamilya. Mistula parin itong bangungot sa araw-araw na ginawa ng Diyos.
BINABASA MO ANG
"VENGEANCE OF DEATH"
Aksi"TO DIE IS LOST" -SURVIVAL IS MY HOPE••• -JUSTICE IS VENGEANCE••• •••EDEATHA TUER••• "VENGEANCE OF DEATH " (Paghihiganti sa Kamatayan)