Chapter 7 - As Cold As Hell

10.9K 257 6
                                    

"What..." he said in a low voice, while walking towards us.

"the fuck..." his footsteps echoed in the silent and almost empty street.

"are you doing..." and his eyes were stuck on the six men in front of me.

"In my territory?"

Ramdam na ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko habang nakatitig sa kanya.

Pengeng tubig, please?

Tumigil siya ng mga ilang hakbang na lang sa akin.

For a few moments, there was silence. Nagpapakiramdaman kaming lahat. Parang pati paghinga ng bawat isa binabantayan. Until...

"I said WHAT THE FUCKING HELL ARE YOU ALL DOING HERE?" sigaw niya, dahilan para sabay-sabay naming pagkatalon sa kinalalagyan namin sa gulat.

"W-wala kang p-pake!" nauutal na sagot nung isa, halos pumiyok pa siya sa takot.

"WHO THE HELL GAVE YOU THE PERMISSION TO SPEAK?" sigaw sa kanya nung lalaki.

Napangiwi ako samantalang yung anim na lalaki, napaatras lalo sa nerbiyos.

'Yung seryoso? Nagtatanong siya di ba? Malamang kailangan munang may magsalita kahit isa para masagot siya.

"YOU!" tinuro niya yung lalaking nasa gitna. "Sagutin mo ang tanong ko and you better not fucking lie to me, bastard!"

"S-siya," the large man pointed to me without hesitation.

Nanlaki ang mga mata ko at itinuro ko din ang sarili ko.

"AKO?! HALA! T-teka? Bakit ako?" I retorted, pero di nagtagal, natigilan din ako at napaisip.

Ay, oo nga pala. Hinahabol nga pala ako ng mga ito kanina pa at nandito kami ngayon ay... malamang dahil nga sa akin.

"Nandito lang kami dahil sa kanya!" dagdag nung isa na kala mo nanghahamon pa. "At wala kang magagawa para pigilan kami."

"Brainless piece of shit." the motorcyclist spat and shot him a glare that could make anyone tremble in fear. "What makes you think I can't?"

Akala ko lalapitan na niya siya pero nabigla ako nang humarap siya sa akin at tinignan ako.

I blinked as I look back at his scowling face.

"Do you know them?" tanong niya gamit pa rin ang nakaka-intimidate niyang mga mata at sobrang lamig na boses. "Don't lie to me either because I swear I'll fucking beat you up if you do!"

Grabe siya! Ganyan ba talaga siya? Para siyang kumakain ng tao! Nakakatakot!

Napapikit ako ng mga mata at napalunok, saka ako umiling.

Idagdag din natin ang kanyang sobrang foul mouth. Sa tingin ko sa mga tipo niyang tao, tatlong bagay lang ang laging lumalabas sa bibig niya. One is swear words, pangalawa ay mga cusses, at pangatlo- mga MURA.

Nakakapanira ng katinuan. Kahit noong una ko siyang nakita ganyan din siya sa akin. Well, di ko naman siya masisisi kung nagalit siya ng sobra. May point nga naman kasi siya dahil he'd be the one in trouble kung saka-sakaling natuluyan nga niya ako nung gabing iyon.

PERO KAHIT NA! It's still too much for my ears and intellect to handle! Nakakaturete na ang language niya. Bawat sentence kailangan may kasamang ganoon? Ang OA!

Nakatuon pa rin sa akin ang mga mata niya na para bang sinasakal ako.

Akala ko katapusan ko na, pero nagpasalamat ako sa may kapal when he turned his back at humarap ulit sa mga goons na kanina pa humahabol sa akin.

feMALE X MALEWhere stories live. Discover now