Chapter 9 - Xander the Gangster

11.6K 266 8
                                    

I gasped and tried catching my breath. I leaned my hand on the wall for support dahil feeling ko konti na lang mahihimatay na ako sa sobrang pagod.

Nakakainis!

I glared at the man who's responsible for this.

Si Zero, nakatingin pa din siya sa akin. His arms were crossed on his chest at nakangiti pa din siya.

Oh, di ba? Nakakainis talaga? Nagagawa pa niyang ngitian ang estado ko!

I was soaking with my own sweat. Halos kulang na lang maglupasay na ako sa kinatatayuan ko and honestly, awang-awa na ako sa sarili ko.

Twelve of them were all out. Wag niyo nang itanong kung paano. Basta. I'll consider myself lucky kasi sila-sila din ang nagkakatamaan whenever they try hitting me and the rest is history.

Buti na lang, ganoon ang nangyayari dahil sa totoo lang di na rin talaga ako makakilos. Ang sakit na nung sugat ko ang sakit pa nung... Arrrgh! Basta! Alam niyo na iyon! Yung kagabi!

Kaya wala din akong magawa kung di umiwas na lang sa kanila.

Tatlo na lang ang kaharap ko ngayon at ang mga mata nila ganoon pa din. They were burning like fire at damang-dama ko talaga mula sa kinatatayuan ko na hindi na talaga nila ako bubuhayin sa oras na mahawakan nila ako.

Bumuntong hininga ako at pinunasan ko ang pawis sa noo ko using the back of my hand.

"Nakakainis ka talaga Zero!" I screamed. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa aking may balak ka palang patayin ako?"

Kung alam ko lang edi sana tumalon na nga lang ako sa tulay para mas madali! Nakakainis!

And then, another large man went for me and tried punching me on the face.

I gasped the moment I tried dodging the attack again, pero nagulat ako nang pagyuko ko, tatlo na naman ang nakapaligid sa akin.

I bit my lip and my eyes narrowed when I realized that these guys had successfully trapped me.

GAHD! NAKAKAINIS TALAGA!

Hinawakan nung dalawa yung braso ko at yung isa naman, he tried hitting me again.

I lowered my head kaya ang nasuntok niya ay yung isang kasamahan niyang nakahawak sa braso ko. Nagulat sila sa nangyari kaya sinamantala ko na ang maikling pagkakataon to finally end this.

I punched the three men in their gut and hit them all at the back of their necks using my elbow to knock them out.

I was panting and my breaths were heavy.

Kahit ako di rin makapaniwala sa nangyari.

I survived! YES! I'm a survivor! WOOOHOOO! Sabi na nga ba hindi ako ipinanganak para mamatay lang sa ganitong paraan, eh! WOOOHHH!

Napaluhod na ako sa sahig sa sobrang pagod at syempre, napahawak sa puson ko. Okay lang kahit makita nila akong ganito. Malay ba nila kung anong iniinda ko? Hindi naman nila mage-gets hangga't di nila alam ang totoo. Di ba? Sasabihin ko na lang may ulcer ako kunyari. Hahaha!

Hanggang sa biglang may kung anong bagay na bumagsak sa harapan ko.

I blinked a couple of times and saw a silver gun in front of me. Tumingala ako at nakita ko yung lalaking kaibigan ni Zero, na naka-white shirt kanina.

He was standing a few feet from me and his eyes gestured to the gun.

"Take it," sabi niya.

"H-ha?" I stuttered and looked at him questioningly.

feMALE X MALEWhere stories live. Discover now