Chapter 4 - Less than One

12.3K 304 16
                                    

I ran and ran as fast as I could like my life was on the line.

Kung sa bagay, nakasalalay nga naman talaga ang buhay ko dito. Pag naabutan nga naman ako ng mga humahabol sa akin ngayon siguradong tapos ako.

I jumped and skipped the pile of logs and old wheels blocking my way. Hingal na hingal na ako pero wala akong panahon para tumigil. I hate this. Ang taas-taas ng sikat ng araw, naka-jacket pa ako at basang-basa na ako sa pawis ko.

"LAYO! LUMAYO KAYO SA AKIN!" I yelled to those who were after me. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong mas dumami sila at hindi na kayang bilangin sa kamay. I honestly felt like crying at the moment.

LORD! ANO BA ITONG NANGYAYARI SA BUHAY KO?

Pinikit ko na lang ang mga mata ko at binilisan pa lalo ang takbo. Wala na akong pakialam kung may mabangga pa man ako o wala.

Basta kailangan kong makalayo or else, I'm so dead!

Ever since I was a kid, I'm used to being called gorgeous. Walang halong yabang ito, ah. Just saying, especially when I grew up at sinimulang ligawan ng mga lalaki na tagapagmana din ng kompanya ng pamilya nila. But never... as in NEVER in my whole life na sumagi sa isip ko na when they say gorgeous, it means pang-unisex pala ang muka ko.

It's strange, yeah. Noong una I find it amusing kasi hindi rin ako makapaniwalang mukha rin akong lalaki pag nag-cross dress, and then after a few days, naging creepy na. Gaya ngayon...

"AAAAHH!!! FAFA, SANDALI LANG!!!" sigaw ng mga babae na humahabol sa akin ilang metro mula sa likuran ko in chorus.

Napangiwi ako.

Fafa? Seriously? Oh, God! They have lost their minds!

Sabi senyo, eh. Creepy. Kasi ngayon, hindi na lang mga lalaki ang naghahabol sa akin kundi pati na din mga babae. Mga babaeng hindi ko kakilala at karamihan sa kanila ay mga nakakasalubong ko lang basta sa daan. Next thing I knew they were all after me.

Parang mas masahol pa tuloy ako sa isang celebrity na pinagkakaguluhan ng mga fans. O kaya naman, isang kriminal na hinuhuli ng mga pulis kung makatakbo ako sa sitwasyon ko ngayon.

"I LOVE YOU! MARRY ME! IBIBIGAY KO LAHAT SAYO ANAKAN MO LANG AKO!" sigaw na naman ng isang boses na hindi ko alam kung mula kanino.

I went pale and I suddenly felt like throwing up.

YAKKK! Hindi pwede yang sinasabi mo, ate! Ugh! Basta kung sino ka man! KADIRI KA! KADIRI! Hindi kita maanakan kahit ilang shooting stars pa ang hilingan mo!

Napasinghap ako at mas binilisan ko pa ang takbo ko. Saka ako biglang lumiko sa isang makipot at madilim na kanto para maligaw ang mga humahabol sa akin. I hid behind a trash can. Naghahabol ako ng hininga ko at pinanuod ko silang tumakbo sa kabilang direksyon, leaving me behind without them knowing. Nang masigurado kong wala na sila, I sighed and I collapsed on the damp asphalt road.

"HAY SALAMAT PO DIYOS KO!" I said in relief. Nag-sign of the cross ako and I whispered a short prayer and then, I wiped away the sweat on my forehead with the back of my hand.

Grabe! Ibang klase!

Makalipas ang ilang minuto ng pagmumuni-muni nang mag-isa, nagdesisyon na akong maglakad pababalik ng apartment ko at tinahak ang ruta kung saan wala masyadong tao na dumadaan.

I wore the hood of my jacket para matakpan ang muka ko at inilagay ang mga kamay ko sa magkabilang bulsa nito.

"Sana... wala ng humabol pa sa akin," I whispered tiredly.

feMALE X MALEWhere stories live. Discover now