Chapter 1 - Zombies

882 22 8
                                    

Nagising ako sa tunog ng dumaan na firetruck.

OMG, may sunog?

Baka di naman dito. Antok pa ako eh, buwisit! Tulog muna ako

.

.

*Bang!*

OMG! Baril ba yung narinig ko?

Nagmadali akong bumangon at di pa man ako tuluyang nakakatayo ay sunod sunod na putok pa ang narinig ko

May giyera ba sa labas?

Tumingin ako ng mabilis sa bintana pero agad rin akong napadapa ng makarinig nanaman ako ng sunud-sunod na putok.

May giyera nga! May nakita akong mga sundalo eh. Kahit mabilis lang eh alam kong sundalo talaga ang nakita ko. May malalaking baril eh. Alangan namang sorbetero yun diba?

Sunod-sunod na putukan pa ang narinig ko.

Bumilis ang pagtibok ng puso ko siguro dahil na rin natatakot ako.

*Knock knock*

OMG! May kumakatok ba sa pinto?

Nebeyen. Daig ko pa si Dora the explorer sa pagtanong ng mga tanong na obvious ang sag.

Pero teka, hindi ito ang panahon para magbiro. May giyera sa labas at maaaring ito na ang katapusan ko.

Lord, wag naman po sana. Marami pa akong pangarap sa buhay! Gagraduate na ako next next year!

*knock knock knock*

Mas lalong lumakas ang pagkatok nito.

OMG Baka patayin ako ng taong yan! Di na lang ako iimik :S Naka-lock naman yung pinto kaya for sure di sya makakapasok

*knock knock knock knock*

Magkakasunod na katok pa ang narinig ko kasabay ng magkakasunod na putukan sa labas pero imbes na buksan ko ang pinto ay nagtalukbong ako ng kumot.

Lord, kung ito na po ang katapusan ko, sana naman, ma-meet ko muna ang man of my dreams!

*Puuggsshhting*

OMG Ano yun? Sinisira nya ang door knob? OMG OMG. Lord, patawad po sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko! Eto na po ba ang kabayaran?

*Puuggsshhting*

Ah-huh! Tatawagan ko na lang ang mga pulis, o kaya si dad! Tama! Tama!

OMG

Lowbatt????!?!

Whaaattt???!!

*Puuggsshhting*

WAAAAHHH. Magtatalukbong na lang uli ako ng kumot >_<

*Puuggsshhting* *Buuugggssshhh*

Narinig ko na lamang ang malakas na kalabog ng bumagsak na pinto.

OMG! What to do? What to do?

Play Dead?

No choice.

So yun nag-play dead ako habang nakatalukbong pa rin

.

.

"Lacee, get up!"

His voice sounds familiar!

Dahan dahan kong inalis ang kumot para makita kung sino ang nagsalita

"A-Adrian?" Halos malaglag ang panga ko sa pagkagulat. "Susmaryosep naman oh! Eh Kung nagsalita ka sana kung sino ka edi hindi mo na sana kailangan sirain yung door knob diba?!"

Lifeless Bodies [Ongoing Action/Horror/Comedy Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon