*PRATATATATAT*
*BANG BANG*
*PRATATATATAT*
Minulat ko ang kaliwang mata ko, sunod naman yung kanan
Ang aga aga barilan agad ang naririnig ko. Ano to?! Araw araw na lang akong gigising na may barilan? Ganito na ba talaga ang mundo ko ngayon?
Akala ko panaginip lang yung kahapon...
Ginala ko ang mga mata ko sa kwarto. Hindi ito ang dorm ko. Eto yung kwarto sa bahay ni Lazaro. Totoo nga ang lahat ng nangyari kahapon
Sana nga panaginip na lang yun...
Edi sana ngayon papasok na uli ako sa klase ko. Wala akong pakialam kung may exam, atleast pagkatapos ng exam kakain lang uli ako ng chocolate tapos okay na ako. Bumagsak man, alam kong makakabawi ako.
Eh ngayon, eto, parang naghihintay na lang kaming kunin ni kamatayan. Di lang basta basta kukunin. Paparanasin din kami ng mala-impiyernong buhay.
Yung mga halimaw sa labas mas nakakatakot pa kesa sa mga terror na prof. Tapos yung pagtakas sa kanila mas mahirap pa sa kesa sa mga math problems
Sa isang iglap, NAWALA LAHAT
Sa isang iglap, yung mga patay ang gumagala habang kaming mga buhay ang nagtatago.
Wala nang mayaman at mahirap ngayon
Lahat pantay pantay
Lahat makikipag-sapalaran para mabuhay
"Lacee!"
Naramdaman kong may yumuyugyog na sa'kin
"Hoy ano ka ba?! Kung makayugyog ka naman, naduduling na ako!"
"Eh ikaw kasi kanina pa kita kinakausap di ka naman nagsasalita. Tulala ka. Parang ang lalim ng iniisip mo. Baka malunod ka! What's bothering you?" - Adrian
"Ehh. Joke ba yun? Tatawa ba ako?" I gave him a next-joke-please face
"Haaay baliw! O ano ngang iniisip mo?"
"Wala. Panira ka ng moment eh!"
"Moment?"
"Wala. Nevermind. So ba't ka pumunta dito?"
"Kasi tanghali na pero di ka pa rin bumababa. Magpapagutom ka ba ha?"
"Eh di ako makatulog kagabi eh. Dami kong iniisip"
"Bakit nga kasi? Ano ba yun?"
"Wala nga! Tara na baba na tayo! Gutom na rin ako!"
"Maghilamos ka muna. Tulo laway ka pa naman din hahaha" Humagalpak sya sa pagtawa kaya tumalikod ako at kinapa ko yung bibig ko. Tulo laway nga ako! Nakakahiya naman! Kahit pa sabihing friends kami
"Hoy joke lang Lacee. Kunwari na lang di ko nakita"
Humarap ako sa kanya at nahuli ko syang nagpipigil ng tawa! Lokong to!
"Ewan ko sayo! Dyan ka na nga!"
Tumayo na ako sa kama at dumiretso na sa banyo para maghilamos
"Pagkatapos mo dyan. Bumaba ka na agad ah? Tulo laway! Hahaha Kababae mong tao hahaha" Narinig ko syang tumatawa pa rin labas
"Eh bakit? Lalaki lang ba ang may laway? Ewan ko sa'yo! Bumaba ka na nga dun! Susunod ako!"
"Hihintayin na lang kita"
"Haaayy bahala ka!"
.
.
.
BINABASA MO ANG
Lifeless Bodies [Ongoing Action/Horror/Comedy Series]
ActionAng mga tauhan at mga pangyayari sa story na to ay produkto lamang ng makulit na imahinasyon ng author BABALA: Ang istoryang ito ay maaaring may maseselang Tema, Lenguahe, Karahasan, Sexual, Horror, o Droga na hindi angkop sa mga KJ na magbabasa Kun...