Chapter 2 - Temporary Shelter

638 16 3
                                    

Bukod sa'min ay walang ibang taong makikita sa paligid, yung mga zombies lang, pero tao pa ba sila?

"Pumasok tayo dun sa restaurant!" sigaw ni Christine habang tinuturo ang isang restaurant malapit sa university

"No, baka ma-corner nila tayo" - Adrian

"So where are we going then?" Nerbiyos kong tanong. Wala kasing sasakyan na makikita malapit eh at kung meron man, abandonado na na ito, kung may dumaan man, baka kumaripas pa yun papalayo para iligtas ang mga sarili nila. Mga kainan lang tsaka Convenient store ang pwedeng mapasukan pero tama si Adrian, mako-corner kami ng mga monsters pag pumasok kami dun.

"About 500 meters from here is my house. We can go there" Bigla namang nagsalita si Lazaro

At dahil malapit na talaga yung mga halimaw eh pumayag kami

500 meters lang naman daw eh. Half kilometer lang. Sumasali pa nga ako sa 5k na fun run eh kaya sisiw lang sa'kin yang 500 meters na yan

Pero omg, iba ngayon! May mga zombies na makiki-jogging sa'kin... sa'min... OMG!

"We have to stay together. Don't panic. We're faster than them kaya matatakasan natin sila. Be alert" - Lazaro

.

.

So ayun, naka-attacking mode kami lahat habang naglalakad. Hawak ko yung kutsilyong ginamit kanina ni Adrian at nasa kanya naman yung baseball bat nya. Si Lazaro naman syempre yung pana nya. Si Christine, FIERCE, sya talaga ang pinaka naka-attacking mode sa'min LOL Taekwondo player sya and seeing her on the attacking mode, nako... mukhang pag-nagulat sya eh agad syang mapapasipa hahaha

.

.

*AAARRRGGGHHH*

"Lacee, watch out!" sigaw ni Christine

"AAAHHH!" Napasigaw ako nang biglang may sumulpot na zombie galing sa isang inabandonang kotseng nadaanan namin

*PLUUKKK*

Nakita kong bumagsak yung halimaw na papalapit sana sa'kin at may tama ito ng pana sa mukha kaya may tumalsik na dugo sa mukha ko

"Lacee, okay ka lang?" Hinawakan ni Adrian ang mukha ko at sobrang lapit nya sa'kin kaya lalo akong di makapag-salita

"Lacee, are you okay?" - Lazaro

Napatingin ako kay Lazaro "Ya-yah... I-I'm fine" Nag-smile lang sya sa'kin

He saved my life

Napaisip ako...

WAAAAAAHH!!

ANG TANGA TANGA KO! GRAABEEH!

Kung ano ano kasi pinag-iisip ko kaya ayan tuloy, muntik na akong makain ng zombie!

Buti na lang talaga nandyan si Lazaro. Ang Knight in shining armor ko haha just kidding!

"Ikaw naman kasi Lacee eh, sinabi nang huwag kang lumayo sa'kin, haaayy" Nakita ko namang alalang alala talaga sa'kin si Adrian.

"Oo na po. Sorry na. Mag-iingat na ako next time. Promise!"

Hinawakan ni Adrian ang kamay ko, "Gusto ko, lagi lang kitang nasa tabi. Mag-iingat ka naman kasi" Seryoso yung mukha nya

"Come on guys. We need to hurry!" pang-aalok ni Lazaro

Nung nagsalita lang ulit si Lazaro bumalik yung diwa namin ni Adrian. Oo nga pala, pupunta pa kami sa bahay ni Lazaro

Nagpatuloy na kami sa paglalakad

Lifeless Bodies [Ongoing Action/Horror/Comedy Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon