PROLOGUE

28 0 0
                                    

Masiglang pumasok ang hindi katangkarang babae sa kwarto ng isang binata.

"Ui Ren-Ren! May tatlong nanliligaw sakin. Yung dalawa basketball player tapos yung isa president ng judo club. Sinong sasagutin ko?"

Abalang abala sa pagtipa si Ren-Ren sa kanyang laptop. Ni-hindi man lang niya ko tinignan sa mata. Pero alam ko na naramdaman niya ang presensya ko.

"Uyy sino nga?!" pangungulit ko pa sa kanya habang yinuyugyog ang kanyang balikat.

Panandalian siyang huminto sa ginagawa niya para sagutin ako pero hindi parin tumitingin sakin.

"Yung basketball player nalang."

"Sino dun?"

"Kahit sino. Mas masaya pag dun ka pumili at alam mo na kung bakit.*smirk*" muli niyang tinuon ang kanyang paningin sa laptop at itinuloy ang kanyang ginagawa.

Alam ko ang ibig niyang sabihin. Pag pumili ako dun sa isa sa mga basketball player, may kompetisyong mangyayari. Nasa isang team yung dalawang yun kay pag pumili ako sa kanila pwede silang mag-away.. at ito ang inaabangan naming dalawa.

Bukas nalang ako pipili sa dalawang yun. Sayang si Mr. Judo tanggal na siya sa choices. Nagsuggest na si Ren-Ren ehh.

Kung tinatanong niyo kung sino si Ren-Ren? Siya nga pala si Warren Freyer, BOYFRIEND KO. ;) ♥♥♥

A COUPLE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon