Alas-dyis na ng gabi ng makarating si Warren sa condo unit ni Samantha na kung saan katapat lang ng unit niya. Walang katok katok siyang pumasok sa unit nito na para bang sarili niyang bahay ang pinasukan.
"Kumain ka na ba? May binili akong dinner natin." sabay taas ng hawak kong plastic upang ipakita sa kanya.
"Hindi pa nga ehh. Gutom na gutom na ko. Linigtas mo ko mula sa mga nagwawalang bulate ko sa tiyan." excited na tumayo ang dalaga at inabot ang dala-dalang pagkain ng nobyo.
"Tara nood na tayo haha. Pasalamat ka at hinintay pa kita. Akala ko di ka nanaman makakauwi ng maaga dahil jan sa bago mong si.. Ano nga ba yun? Angel? Angeline?" tanong ni Sam habang abalang sine-set up ang tv para makanood na sila.
"Haha. Wala ka namang tinama. Una, Angelie pangalan nun. Ikalawa, wala na kami. Alam mo namang past time lang siya, at para lang yun sa araw na to." Nagmamayabang pa na sabi ng binata. Ikinwento pa nito ang pag-uusap na nangyari kanina pati na rin dun sa parte kung saan sinabi niya na si Sam lang ang pinaka-espesyal na babae para sa kanya.
"HAHAHA!!! Laptrip ka talaga Ren. Lakas ng topak mo. Ako na naman yung pinangrason mo para makawala ka sa mga babae mo." labis ang hagalpak ng dalaga at walang senyales na titigil ito agad.
Natawa naman ng bahagya ang lalaki sa reaksyon ni Sam. Sanay na kasi sila na ginagamit ang isa't isa para makawala sa mga panandalian nilang 'kalaro'. Talk about benefits!
"O sya sya.. Tapusin mo na yan at kanina pa ko atat manood no. Wala akong panahon para panoorin yang tawa mo buong gabi." baling niya sa babae upang makapagsimula na silang manood. Kung di niya pa kasi aawatin eh malamang hindi parin ito tapos ngayon.
---
"AHHHH!!! Epal kang zombie ka! Layuan mo nga sila!!"
"Grrr!!! Nakakainis talaga yung hayop na lalaking yun. Kung hindi siya nag inarte at pinalock yung pintuan edi sana.. Sana buhay pa si taba!! Huhuhu.. Nawalan tuloy sila ng shield."
"HUHUHU... Bakit kailangan pang makagat yung bida. Pano na yung anak niya?! Pano na yung abs niya?!huhu di ko na masisilayan pa..huhuhu!!"
Hindi malaman ng binata kung matatawa ba siya o maiinis sa kaingayang tinataglay ng kasama niyang babae. Halos di na niya maintindihan ang nangyayari sa eksena dahil dito.
Pano nga ba kami naging ganito? Ang alam ko lang pareho naming kailangan ang isa't isa.
Nawala na ang focus ko sa palabas na pinapanood. Nalipat na kasi iyon sa babaeng katabi ko. Mas nakakaaliw naman kasi ang mga reaksyon niya kaysa sa palabas. Kitang kita ko ang pagkunot ng noo niya pag nagagalit dun sa kinaiinisang character, maya-maya naman ay mawawala ang kunot sa noo at magtatakip ng mukha gamit ang dalawa niyang kamay pero may butas naman dito na pwede niya paring silipan. Sabay titili siya tuwing nagugulat.
"Sabi ko na may zombie dun ehh!! Huhuhu" nanatiling nakatakip parin ang mga kamay niya sa mukha.
Nang matapos ang palabas akala ko eh matutulog na kami. Ayun nagplay ulit siya ng bago. Hahaha!
"Di ka pa ba inaantok at manonood ka parin?" amused na tanong ko sa kanya.
"Movie marathon kasi tong gagawin ko. Kailan pa naging movie marathon na isa lang ang papanoorin aber?!"
Hahaha! Parang baliw talaga tong girlfriend ko.
Girlfriend.
Pano ba naging kami nito ni Sam? Haha.
"Uy Sam!" tawag ko sa kanya habang busy siyang ngumunguya ng popcorn at patuloy sa panonood.
"Oh?" tanong niya pero di parin inaalis ang mata sa tv.
"Naalala mo ba kung pano naging tayo?haha"
Agad ko namang nakuha ang atensyon niya dahil sa tanong ko. Napangiti rin siya bago sumagot.
"Oo naman haha. Diba nga bata pa tayo nun nung naging tayo."
"Ay oo nga! Mga 13 years old lang ata tayo nun. Hahaha! Ang aga pala natin naglandi."
Parehas kaming natawa sa sinabi ko. Tuluyan ng nakalimutan ang palabas na pinapanood."Nasa taas ako ng puno non habang inaabot yung tsinelas ko na hinagis mong hayop ka." may himig pa ng pagkairita si Sam habang kinukwento yun. Hahaha!
"Oo haha. Tapos nakatingala ako sayo nun tapos kitang kita ko pa yung panty mong pink tapos may design na hello kitty. Hahaha!" kitang kita ko pa ang pamumula ng pisngi niya.
"Tsk! Wag mo na nga ipaalala yun!" mabilis akong umiwas dahil binato niya ko ng unan. HAHA! Pikon talaga.
"Atleast ikaw naman ang nagyaya na maging tayo no." proud niya pang sabi.
Oo nga, habang nasa taas siya ng puno, out of nowhere eh yinaya ko siyang maging girlfriend. Before kasi napagusapan namin na may kaklase kami na nagboyfriend na at nacurious siya about that. Gusto niya ring matry yun but she was afraid na kung sino sinong lalaki lang ang maging boyfriend niya and so dahil ako ang childhood friend nitong si Sam. I helped her and asked her to be my girlfriend. Wala namang mawawala sakin.
"Yes I did. I'm not ashamed of that. You know why?" mukhang nacurious naman siya dahil sa sinabi ko.
"Why?"
" 'Cause you said Yes." I saw her blushed a little. I'm not sure kasi nakapatay ang ilaw. Haha mukhang nahiya pa to. I gave her a smirk.
---
Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha. Takteng Warren na to. Pinapahiya pa ko sa sarili ko. Nakita ko pa siyang nag smirk. Akala niya siya lang may kayang mang-asar?
Tinitigan ko siya ng diretso sa mata. Naramdaman ko na medyo nagulat siya pero di niya rin naman inalis ang pagkakatitig niya sakin. Sinagot ko naman siya ng..
"Well yeah, that's true. I said Yes and .." linapit ko ang bibig ko sa kanan niyang tenga at bumulong dun na parang nang-aakit.
"I would never regret it." I felt him tensed up a little tsaka ako lumayo para makita ang reaksyon niya. Tatawa na sana ako ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sakin. Nakatitig lang siya sa labi ko at napatitig din ako sa labi niya. Unti unti ang paglapit nun ng biglang..
"BWAHAHAHAHAHA!!!!!" Sabay kaming napahalakhak na dalawa kasabay ng paglayo namin sa isa't-isa.
"That was so d*mn awkward!Hahaha!" tawa pa niya ng malakas.
"Haha kinilabutan nga ako! Gosh!Hahaha!" di pa rin kami makaget over sa pagtawa.
Nang mahimasmasan kami ay tumayo siya at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Inabutan niya rin ako pag balik niya.
---
Man! That was so hilarious haha.. Minsan talaga nangyayari ang ganon samin ni Sam then matatawa kami ng sobrang tagal. Umupo na ko sa tabi niya matapos siyang alukin ng tubig at nagpatuloy sa panonood. Wala pang kalahati ng movie ay naramdaman ko ang pagdantay ng ulo niya sa balikat ko. Napangiti nalang ako ng makitang tulog na siya. Yan! Movie marathon pala ahh. Di naman kaya haha.
Pinatay ko muna ang tv gamit ang remote bago ko siya binuhat at dinala sa kwarto niya. Dahan dahan ko siyang inilapag sa kama at kinumutan. I am so lucky I have her as my girlfriend. Kahit na parang magkaibigan lang naman talaga ang turing namin sa isa't isa.
"Good night Sam!" I kissed her forehead before I left her unit.

BINABASA MO ANG
A COUPLE STORY
Teen FictionEvery couple they see are all the same. Walking together hand in hand with their fingers intertwined. Touches and kisses were all seen in public. Loving gazes and sweet nothings which both person share. But not Warren and Samantha. They are the kind...