Tahimik na nagmamasid ang dalaga sa dalawang ibon na masiglang humuhuni habang prente siyang nakaupo sa ilalim ng puno.
Magandang panahon ito upang magpahinga dahil sumasabay ang pag ihip ng preskong hangin sa kanyang mukha at ang pagkakaroon niya ng dalawang oras na break para sa susunod na klase."Sam-Sam! Pautang naman. Naiwan ko wallet ko kina Jordan. Ninakaw nanaman ng mga mokong."
Hayy! Pag utangan talaga ang bilis nito ni Warren. Pag kailangan mo ang presensya niya kailangan pa ng advance notice.
" At san mo naman gagamitin ang pera? " taas kilay ko pang tanong. Baka mamaya pambibili niya nanaman ng pagkain tapos di mamimigay.
" Eh kasi may date ako with Angelie, kahit 2k lang ayos na" sabay taas-baba ng kilay at ngiting malapad. Sus pang date lang naman pala.
" Oh ayan, 3k na. Kasama na jan pang tip mo tsaka pang gas."
"Wahh, Samantha! Labyuuuu *kiss sa cheeks ko* bawi ako sayo mamaya *wink*" Paalis na siya ng tawagin ko siya ulit.
"Oyy Wa-wa! Bukas nalang, may date din ako with Howard."
Nag okay sign lang siya sakin at umalis na. Well isa lang naman to sa mga ordinaryong senaryo sa relasyon namin. Cool lang. Walang pressure. Di gaya ng ibang magkasintahan na masyadong seryoso.
Alam namin na hindi normal ang relasyon namin. Maraming pagkakaiba sa ibang relasyon. Sila masaya pero nasasaktan, kami lagi lang masaya. Sila may commitment at sigurado, kami may commitment din kaso di seryoso. May isang bagay pa na meron sila na wala kami..
Love.Wala kami niyan pero nabuo naman namin ang relasyong to ng wala yun. Komportable na kami sa ganito at tingin ko, wala samin ang gusto pang umalis sa ganitong klase ng relasyon.
Isipin niyo naman yung benefits:(vice versa)
May boyfriend akong mapapakilala kung kinakailangan. Pag medyo nagkasawaan pwedeng magkajowa ng iba. Walang personalan. Kung anong gusto kong gawin wala siyang masasabi. May libre ako galing sa kanya paminsan minsan. May utangan ka. Libre pamasahe. Ano pa ba? Sa sobrang dami di ko na masabi. Isipin niyo nalang haha. Basta ang rule, No Feelings Attached. Kahit gaano pa siya kasweet, tandaan mo na wala lang yun. Okay lang ma-fall sa kanya basta Love at your own risk."Samantha Griomore! Kaano ano mo ba talaga si Warren?" Nakapameywang pa na tanong sakin ng bagong kaibigan kong si Llana. Transfer kasi kaming dalawa ni Ren. 3rd year highschool. "
"Boyfriend nga! kulit.." pano kanina pa kasi siya tanong ng tanong paulit ulit nalang.
" Eh ba't ka hinihintay ni Howard, na captain ng basketball team?" Tanong niya habang naglalakad kami pababa ng hagdan. Uwian na kasi.
"Ha saan?"
"Ayun oh nasa may gate ng school natin, pakaway kaway pa."
"Ahh yan na pala sundo ko. Bye Llana! May date pa kami ng jowa kong si Howard. At FYI para di ka malito, si Howard jowa lang, si Ren-Ren boyfie ko yun. Don't ya worry may shota din yung si Ren-Ren. Angelie daw name. Pa-search nalang sa fb tapos pakita mo sakin tomorrow.. for sure mas maganda parin ako dun. Oh siya Bye na talaga!! *muwahhh*"
Iniwan ko na si Llana na medyo nakaawang pa ang bibig. Medyo nashock siguro dahil nagulat siya sa sinabi ko o baka naman di siya nakasunod dahil sa sobrang bilis ko magsalita.
Habang naglalakad ako papunta kay Howard, nakasalubong ko si Ren. Nagtama ang mga mata namin at binigyan niya ko ng isang nakasanayan ko ng kindat.
Oo nga pala, may General Rule kami. 'If one of the parties fall inlove with another party. This relationship will cease.' In short, itong ideal relationship namin na parang laro lang ay matatapos once na na-inlove kami sa iba. As in Game over.
Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti at dumiretso na papunta sa direksyon ni Howard.
---
"Angelie, hatid na kita pauwi?" Please humindi ka..Wag ka ng pumayag.
"Sweet mo naman Warren. Di mo naman ako kailangang ihatid pa eh.." Yes!!! Makakauwi ako ng maaga.hahaha! Manonood yun si Sam ng Train to Busan at kailangan ko siyang maabutan.
Nakapagdownload na kasi at may subtitles pa. Alam ko na di nun kayang manood mag isa at di ako papayag na iba ang kasama niyang manood.
"Aww Sayang naman Angelie. Gusto ko pa sanang makasama ka ng mas matagal." Magpaawa ka pa ng onti Warren para di ka naman masyadong obvious na ayaw mo talaga siyang ihatid.
"Mmm.. Sige na nga. Dahil mapilit ka, payag na kong ihatid mo." tila kinikilig pang humagikhik ang dalagang mas matangkad ng di hamak kay Samantha.
Bigla namang nagusot ang mukha ng binata pero binawi din iyon agad at pinalitan ng awkward na tawa. Dagliang nawala ang pagbubunying ginagawa sa kanyang isip.
"Thank God you agreed!" Masigla kunong sagot niya sa babae pero sa katotohanan nagluluksa na ang kanyang kalooban.
Naging masaya naman siya kasama si Angelie subalit may mga oras na di niya gusto ang ugali nito. Lalo na at may pagkamaarte at mukhang materialistic.
After this I must get rid of her. Hahanap nalang muna ko ng bago or if ever na tamarin ako, anjan naman si Sam. I still have her. I have my girlfriend.
I drove this girl to her house and immediately stop our so called relationship. For me,this is not even called a relationship, this is just a past time and I hope it's the same way for her.
Binuksan ko ang pintuan ng kotse sa passenger's seat at inalalayan siyang makababa.
"Thank you so much for this day Warren. Nag enjoy ako ng sobra." titig na titig ang babae sa mukha ng binata.
"Sana maulit pa.See you tomorrow?" dugtong pa nito na may bakas ng pag-asa sa mga mata at may ngiti sa labi.
"You know this is Just a past time right?" deretsahang sabi ng lalaki.
Kita agad na nasaktan ang babae.
"What? I thought.. I thought.." tila nahihirapang humagilap ng sasabihin ang babae.
Bago pa man kasi magsimula ang "relasyon" nila ay alam na nito na may girlfriend siya. Sa katunayan, alam ng lahat na may relasyon sina Warren at Samantha. Pero alam din nilang pumapayag itong makipagrelasyon o makipaglaro sa iba.
"Akala ko nagugustuhan mo na ko Warren. Those look in your eyes, yang mga ngiti mo. Yung mga ginawa mo para sakin kanina."
"Don't assume Angelie."
" No! I feel it Warren. Alam kong special ako para sayo."
Bahagyang natawa ang lalaki. Di niya alam na nahulog na ito sa kanya dahil lang sa mga inakto niya kanina.
"You see Angelie. You're a sweet girl. But special? Sam is the only girl who's special to me. She's my girlfriend right? And you're not even close to take her place."
"Alam mo kung bakit kita hinayaang makasama ako ngayong araw. You said you like me and you want to be with me for this day as your present because today is your birthday. I can only give you this much. Thanks for the company. Bye." pumatak ang ilang butil ng luha mula sa mga mata ng dalaga. At agad naman siyang tumalikod upang hindi na masaksihan pa iyon.
Hoooh! Akala ko di na ko makakaalis dun. Naalala ko tuloy yung sinabi ko kanina.
" You see Angelie. You're a sweet girl. But special? Sam is the only girl who's special to me. She's my girlfriend right? And you're not even close to take her place."
Hahaha! Ikekwento ko to mamaya sa kanya. Tatawa nanaman yun.
Binilisan na ng binata ang pagmamaneho dahil gusto na niyang mapanood ang Train to Busan. Iniispoil na kasi siya ng mga kaklase niya at hindi niya gusto yun.

BINABASA MO ANG
A COUPLE STORY
Fiksi RemajaEvery couple they see are all the same. Walking together hand in hand with their fingers intertwined. Touches and kisses were all seen in public. Loving gazes and sweet nothings which both person share. But not Warren and Samantha. They are the kind...