KULAM

4K 93 10
                                    

                Si Bell ay isang house wife lamang  palagian siyang nagbabantay ng apat niyang anak. Ang kanyang asawa na si Badong ay isang karpintero.pa extra extra lang ito kung saan may trabaho.halos kapos sa buhay ang mag asawa ngunit kahit papaanoy Sumasapat ang kinikita ni badong  para pang gastos nila sa pang araw araw
isang umaga nagtungo sila bell sa bahay ng kanyang ina kasama ang mga bata.naglalaro ang mga bata at si bell naman ay nanonod ng television ng biglang nakarinig siya ng  pagtatalo away bata ang kanyang naulinigan.agad siyang lumabas doon naabutan niya na nag aaway ang kanyang anak at ang kalaro nito na anak ng kapit bahay ng kanyang ina.

"Bakit anong nangyari? Bakit kayo nag aaway tigilan nyo nga yan"

Saway niya sa mga bata.agad naman nag paliwanag ang mga ito.nang matapos ay pinapasok na ni bell ang kanyang mga anak sa loob ng bahay upang mananghalian.hindi pa sya nakakasubo ng may kumatok sa pintuan.tila galit ito.nang buksan niya ay  bumungad sa kanyang harapan ang kapit bahay na magulang ng batang kaaway ng kanyang anak.

"Anong ginawa mo sa anak ko?!!!"

Gigil na tanong sa kanya ng babae

"Ho? Bakit ho? Wala akong ginagawa sa anak nyo.sinaway ko lamang ang mga bata dahil nag aaway away sila kanina"

" E bakit umiyak at may pasa ang anak ko sa braso? "

Nagtalo ang dalawa.hanggang sa nauwe sa away at sakitan.

"May araw ka rin saking babae ka!

Banta nito kay bell.
ginawa lamang yun ni bell upang ipag tanggol ang sarili.dahil alam nya sa sarili nya na hindi niya magagawa na pumatol sa bata.
Inakala niya na  mauuwe ito sa baranggayan ngunit lumipas na ang isang buwan hindi naman ito nag baranggay.

Isang gabi habang naglalakad si bell patungo sa kanyang ina upang magdala ng ulam ay nakasalubong niya ang asawa ng kanyang nakaaway na si Mang berting.binati niya ito ngunit hindi man lang ito ngumiti sa kanya bagkus matalim na titig ang ginanti nito.nang magkaiwasan na silay nakarinig siya ng mga bulong mula sa kanyang  likuran, tila isang dasal na kakaiba.nakaramdam siya ng kilabot at gumapang sa kanyang katawan ang kakaibang lamig. Binaliwala lamang ito ni bell at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.

Kinabuksan nang magising siya ay nakaramdam siya ng matinding pagkahilo.kaya agad na dinala siya ni badong  sa malapit na klinika.

"Mister wala naman sakit ang asawa ninyo,marahil dala lang ito ng sobrang pagod sa mga gawaing bahay"

Wika ng doktor na tumingin sa kanya.pagkuway umuwe na sila ng kanilang tahanan.nakapag pahinga si bell ngunit ng sumapit na ang alas sais ng hapon ay nag iiba na ang pakiramdam nito.inaapoy sya ng lagnat.nanginginig, kahit ilang kumot na ang nakatalukbong dito patuloy sa pangangatog ang katawan nito .hindi mawari ng ina at asawa ni bell ang gagawin.dinala siya sa hospital at doon kinunsulta.wala ni ano mang sakit ang nakita sa kanya.

naka confine siya ng higit isang linggo sa hospital.doon napansin nila na unti-unting nalulugas ang buhok ni bell.kaya ang resulta ng kanyang sakit na lumabas ay alopecia.

KULAM (true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon