Four

6 0 0
                                    

10:30pm na pero may gusto pa kong kainin. I'm craving for ice cream. Tulog na si Andi. Ayoko naman na gisingin pa siya. Nag-isip muna ako kung lalabas ba ko putara bumili o wag na lang. Higa-bangon ako sa kama.

After 30minutes...

"Okay, bibili na ako." I said to myself.

Kinuha ko ang wallet at cellphone ko. Nag-iwan ako ng note sa bedside table namin ni Andi in case na magising siya at wala ako. Sinabi ko na pupunta lang akong 7eleven para bumili ng ice cream. Naglalaway na talaga ako. Nilock kong mabuti ang pinto.

Naglakad na ako pababa ng apartment. Hindi naman masyadong nakakatakot dito dahil maliwanag naman at marami pa ring mga estudyante. Malamang galing pa sila sa school. Usually kasi bukas pa ang school pag ganitong oras para sa mga law students.

Mga 15minutes din akong naglakad at nakarating na ako sa 7eleven. Wala masyadong tao. Pero medyo may mga tao pa sa kalapit nitong bar.

Nakabili na ako ng ice cream at binayaran na ito sa counter. Lumabas na ako ng store. Sa wakas, nabili din kita. Magnum talaga ang paborito ko kahit na medyo mahal, sobrang sarap naman.

Naglakad na ako. Nang may mapansin ako.

"Teka, si Joseph ba yun?" I said to myself. Nasa labas sila ng bar at may kausap siyang lalaki. Lumapit ako nang konti at nagtago para hindi niya ako makita.

"Ano bang gusto mo Gino?" Si Joseph.

Nanlaki ang mga ko. Gino? Napatakip ako ng bibig ko.

Naglapit pa sila lalong dalawa. "Ang gusto ko, stay away from her." Si Gino ang nagsalita.

"Why would I do that?" Si Joseph. Nalilito na ako asa nangyayari.

"Don't you remember? She's my ex. Alam mo naman na babalikan ko pa siya di ba?"

Anodaaaaw?! May balak pa si Gino na makipagbalikan sakin?! Nahihibang ba siya?!

Pataaay! Sinuntok na ni Joseph si Gino. Inubos ko na ang ice cream ko. Grabe, hindi ako makapaniwala sa mga nakikita at naririnig ko.

"Alam ko na gusto mo pa siya, na mahal mo pa rin siya! But you! Did you know how much heartbreak have you done with her?! Of course not. Because you are a messed up man! Wala kang pakialam sa nararamdaman ng babaeng nagmamahal sayo. Siguro nga mas okay na naghiwalay kayo kesa naman na kayo nga pero sobra mo naman siyang nasasaktan." Joseph said. Galit na galit siya.

Nakatayo na ulit si Gino. Susuntukin na sana ni Joseph si Gino. I braced myself at nagpakita sa kanila.

"Joseph!!!"

Para silang nakakita ng multo nang makita nila ako. Natulala. Natigilan. Nagpalitan ng mga tingin.

"Trish.." Si Joseph.

Nakatayo lang dun si Gino. Hindi niya alam g sasabihin niya. Until...

"I'm sorry.." Lalakad na sana siya palayo. Pero tumigil siya dahil sa sinabi ko.

"Wow! Alam mo pala mag-sorry?" I said sarcastically.

Lumingon siya sakin. Magkatabi na kami ni Joseph. Nagtitigan kaming dalawa. Wala pa ring ipinagbabago ang magaganda niyang mga mata. At yun ang minahal ko sa kanya. Kapag tinitingnan niya ako noon, mas lalo akong nahuhulog sa kanya. At ganun pa rin ang epekto ng mga titig niya sakin.

"Trish, hatid na kita." Joseph snapped. Napansin niya yata na matagal na kaming nagtititigan ni Gino.

"Wait.." Gino finally said. "Trish, I'm sorry and I meant it. Kung anuman ang nangyari satin dati, let's just forget about it and start again?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let Me Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon