Hindi ko namaalayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip kung sinong nagtext sakin kagabi. Ayokong mag-assume na si Joseph yun, pero malaki ang possibility na siya nga yun.
"Huy! Bessy!" Panira naman ng moment tong si Andi.
"Oh?"
"Tulaley lang? Anyare?"
I sighed. Iniabot ko sakanya ang phone ko.
"Ayan." I said.
"Tapos? Ibabato ko?"
Inagaw ko sakanya ang phone ko. "Akina nga."
Tinabihan ako ni Andi sa kama. Wala kasi kaming pasok ngayon.
"Ano bang meron dyan sa phone mo? Kanina mo pa tinititigan?" Andi asked. Inakbayan niya ako.
"May nagtext kasi sakin kagabi. Unknown number."
"Ano bang sabi? Tinakot ka ba?" Nanlaki ang mga mata ni Andi.
"Hindi!" I snapped.
"Nagpapaload ba tapos may package na ipapadala? Naku! Scam yan bessy!" Napailing na lang ako sa ka-OA-yan nitong kaibigan ko.
"Mas lalong hindi Ands. Ang OA mo naman." I said. Pumunta ako sa messaging app ng phone ko. "Oh, basahin mo."
Kinuha ni Andi ang phone. Tapos..
"Aaaaahhhhhh!!! OMGGG!!!" Nagtitili na siya at hihiga tapos babangon sa kama.
"Bessy tumahimik ka nga!" Tinatakpan ko ng kamay ko ang bibig niya. Sobrang ingay niya.
Unti-unti na siyang kumalma.
"Okay." Inhale. Exhale. "Besssyyy!! Sinetch daw yan?!"
I shrugged. "Di ko nireplyan eh."
Tinitigan ako ni Andi. "Kung di mo nireplyan, ako magrereply."
Nagulat ako. Magtatype na si Andi. "No!!" Nag-agawan kami sa cellphone ko. "Bigay mo sakin ang phone ko!"
"No Trish! Aalamin natin kung sino yun!" Sigaw pabalik sakin ni Andi. Naghabulan kami sa buong apartment. Hindi ko maagaw sa kanya ang phone ko.
Hinihingal na kami pareho. Napaupo kami sa kama. "Oh, phone mo." Andi said.
Inabot ko ang phone ko. Tiningnan ko yung text ni unknown number.
"Shet!" I said. Tiningnan ko nang masama si Andi. "Bakit mo nireplyan?!" And the second marathon continues.
"Sorry na bessy. Gusto ko lang malaman kung sino yan." Takbo here. Takbo there.
"Ikaw talaga Andi!!!"
Sobrang tagal naming naghabulan. Tawanan. Harutan. At ang ending, bumagsak kami pareho sa kama.
She sighed. "Seryoso bessy, kailangan mong makilala yan. Feeling ko nga si Joseph yan eh." Kiniliti niya ako.
"Ano ka ba! Parang di naman, di ko naman binigay number ko sa kanya. Unless..." Tinitigan ko si Andi.
"Oh? Bakit ganyan ka makatingin?" Iniiwasan ni Andi ang mga mata ko.
"Look at me." Bumangon ako sa kama at umupo. Hinila ko si Andi at napaupo din siya.
"Bakit ba?" Andi asked.
"Di ba no secrets allowed. Binigay mo ba kay Joseph ang number ko?" I looked at her without blinking.
Antagal niya bago sumagot.

BINABASA MO ANG
Let Me Be The One
Genel KurguThis is an on-going story. Pleade bare with me if I can't update this story immediately. I am an aspiring writing, so please bare with my plot. Hahahaha. Thank you! ❤