Prologue

476 9 13
                                    

Amnesia

I slowly open my eyes pero malabo lang ang nakikita ko kaya naman muli akong pumikit at dumilat. Puro puti lang lang ang nakikita ko.

"Gising ka na ba iha?" napabaling ako sa nagsalita. Nakita ko ang isang babaeng may katandaan na.

"Salamat naman. Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Gusto mo ba ng tubig?" sunod-sunod na tanong niya na hindi ko sinagot. Tinitigan ko lang siya at pilit iniisip kung sino siya pero wala akong maalala. Parang blangko ang utak ko. Wala akong maalala na kahit ano!

Nanginig ang mga kamay ko at nagsimulang magtubig ang mga mata ko. Bakit wala akong maalala na kahit ano?!

"Bakit ganito?! Wala akong maalala?! Sino ka ba?! Sino ako?!" napahagulgol na ako. Naninikip na ang dibdib ko sa sobrang kakaiyak ko.

Tumawag ang babae ng nurse at may kung ano silang itinurok sa akin para mapakalma ako dahil inalis ko na rin ang kung ano mang nakaturok sa akin dahilan para magdugo ang kamay ko. Hanggang sa makatulog nalang ulit ako dahil sa epekto ng gamot na itinurok nila sa akin.

Muli akong nagising at naramdaman kong may nakahawak sa kamay ko. Nang tignan ko iyon ay nakita ko ang matndang babae na natutulog habang hawak ang kamay ko. Muli, tahimik na lamang akong lumuha. Bakit wala akong maalala?

"Iha," nilingon ko ang matanda. Nakikita ko sa mga mata niya ang kalungkutan.

"Sino ka?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin pero halata doon na pilit lamang ang ngiti niya.

"I'm your mother, Anne."

Nakatingin lang ako sa kanya. Siya ang ina ko? Bakit di ko siya maalala? Anne. Iyon ba ang pangalan ko?

"Naaksidente ka noong pauwi ka na sa atin. You were asleep for 3 months. Susuko na sana kami ng Daddy mo pero pinanghawakan ko yung kaunting pag-asa na gigising ka and yes. Heto ka at gising na," nakangiting sabi niya.

"What makes you think na paniniwalaan kita?" tanong ko sa kanya. I know its rude pero may pakiramdam ako na may itinatago siya. Sa puso ko, may nagsasabi na huwag akong maniwala habang ang utak ko naman? Blanko lang.

May ipinakita siyang picture sa akin. Isang babae na kasing edad ko, may isang lalaki din na may katandaan na na nakapalupot ang braso sa bewang ko habang hinahalikan sa pisngi ang babaeng nasa harapan ko.

"That's you. And this is your father pero wala na siya. Namatay siya dahil rin sa isang aksidente."

Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya bago ko muling binalik ang paningin ko sa picture. Tinitigan ko ang babaeng nasa picture. Bakit wala akong maramdaman na familiarity? Diba dapat kahit paano ay maramdaman ko na ako nga ang babae sa picture?

Agad akong tumayo at nagpunta sa cr. Sinundan naman ako ng babae na nagsasabi na siya daw ang ina ko.

Pagtapat ko sa salamin, hindi ko alam kung bakit gulat ang naramdaman ko nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Hinaplos ko ang salamin pagkatapos ay ang mukha ko. Muli kong tinignan ang picture at tumingin sa babae.

"Mama," naiiyak na tawag ko sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

It doesn't feel right. Parang may mali pero ano bang alam ko? Wala. Wala akong matandaan at ang babaeng ito, sinasabi niya na anak niya ako. Kung hindi siya ang ina ko, sino pa ba? Kung hindi ako si Anne, sino ako? Who am I?

--
A/n: I will be posting the Chapter 1 after I finished Close As Stranger :)

InvisibleWhere stories live. Discover now