SAM'S POV
Isang linggo na 'yung nakakalipas simula ng mailibing si Cassidy. Sobrang depression yung naramdaman ko. Feeling ko puro dilim lang yung nakikita ko. Naalala ko pa yung unang araw na magkita kami sa hiring ng company. Na-attract ako sakanya pero hanggang dun lang 'yun. Hanggang sa may nangyari samin sa may CR ng office.
Nagbago ang lahat! Mula sa pananaw ko sa buhay at sa pagtingin ko sakanya. Napagdesisyunan kong sabihin sakanya yung nararamdaman ko pagbalik nya sa office pero ano? *sobs* Malalaman at makikita ko na patay na sya?
Ayus lang naman sana sakin kung normal na pagkamatay lang eh. Ang problema, may pumatay sa kanya! Hindi lang yun, hindi pa makatao yung pagpatay!! *Sobs* Kung sino man yung hayop na gumawa nun sa kanya, hahanapin ko sya!! At kapag nahanap ko sya, papatayin ko din sya gaya ng pagpatay nya sa babaing pinaka mamahal ko!!
Lahat ng galit ko ay ibinuhos ko lang sa pag inom ng alak. Isang linggo na akong sumasama sa mga pulis sa paghahanap ng suspect pero wala?! Wala pa ding makitang mga lead suspects and clues. At ang mas masakit pa, wala man lang akong magawa para mahanap at mapatay yung hayup na 'yun!!
Isang linggo, isang linggo na nung mailibing sya pero hero ako, puro laklak lang. Palipat-lipat ng bar na maiinuman. Kung san mapunta at may nadaang bar, dun na lang. Masisisi nyo ba ako? Sobrang minahal ko na si Cass kahit na isang buwan palang simula nung may mangyari samin. Kahit na hindi pa ako ang nauna ay ayus lang. Basta mahal ko sya yun lang yung mahalaga.
Sa bawat bar na napupuntahan ko, may mga babaing lumalapit sakin pero pilit ko pa rin silang tinatanggihan. Hanggang sa nitong nakaraang gabi, sinubukan kong sumama sa isang babae.
Nakakatawang isipin na sa kalahitnaan ng langit ay pangalan nya pa din ang nasasabi ko kaya naman ayun? Isang malutong na sampal ang inabot ko.
I groan in pain when my head hurts so bad. F*ck this life!! Kaylangan ko pa namang magpunta ng CR tapos nakisabay pa 'tong lintek na ulo ko! It's a double sh*t!! Sinubukan kong tumayo pero failed. Tumumba din ako sa kinauupuan ko. Triple kill!! Urg!! Makisama ka naman!! Muli kong sinubukan ang pagtayo at nakatayo naman ako nang maayus pero lahat nang bagay sa paligid ko umiikot!!!
Pakiramdam ko babagsak ako kaya naman ipinikit ko na yung mata ko to ready myself. Pabagsak na ako nung may tumulak sa likod ko.
"Pwede ba?! Mag-iingat ka naman!! Muntik mo nang mabasag yung mga gamit ko!! Mahal pa 'to sa buhay mo!!
Put* namang taong 'to, mas inuna pa yung gamit nya kesa tulungan yung kapwa nya?! Buong lakas kong binuksan yung mga mata ko tsaka tinignan yung bakulaw sa may counter. Umuusok ang mga ilong nito at para bang bubuga na nang apoy ang bibig.
Teka nga... Ano ba 'tong nabagsakan ko? Ang lambot kasi eh? Tapos parang may uh? Tumutunog sa loob? Nilingon ko yung pinagbagasakan ko. Nakasandal pa kasi ako. Paglingon ko, bumaon yung ilong ko sa isang cleavage. Anak ng?!!
Tiningala ko yung mukha kong nakabaon sa cleavage at tumambad sakin ang isa pang mukha. Pilit kong inaninaw kung ano o sino ito. Isang nilalang na hindi ko alam kung babae pa ba? Mukha kasing mas mukha pang lalaki sakin 'to eh? Aba naman!! Ngumiti pa sya ng pagkalapad lapad!!
May kinuha ito sa counter tsaka inabot sakin. Yung baso ko ng alak. Umayos ako ng upo tsaka tinanggap yung baso. Ininom ko ito ng isang mabilisan lang. Taena! Nakakahiya!!
"Ayus ka lang ba?" Tanung pa nito sakin sa nakakapanindig balahibong tono.
"A-ah eh... Ou?"
"Hihihi" Yuck!
"Ahm... Excuse me lang huh?"
"Ok baby... Hihihi" iww
Ang pangit nya!! Pakiramdam ko, napakalayo ng nilakbay ko makarating lang sa CR ng bar. Pagdating ko dun, agad akong naduwal. Nakakadiri naman kasi yung pagmumukha nung balyena na 'yun! Kung makangiti sya kala mo naman kumpleto yung mga ipin!! Arg! Puro tartar! Nalalasahan pa kaya nun yung pagkain?
YOU ARE READING
OBSESSION
Misteri / ThrillerA perfect family that everyone wants to have. A girl who loved her sister like a real one but she never treated her as one. Until one situation change her whole life.