Estrangero ka lang sa simula
at akala'y mayabang ka
ngunit nang makilala ka na
kahat ng akala'y mali pala
Okey kang kaibigan
at talaganag maaasahan
masarap pang kakuwentuhan
na talagang di mo kasasawaan
Dati pag ikaw ay nakikita
presensiya mo'y di alintana
ngunit bakit ngayon ay nagbago na
pag nariyan ka'y parang bang may kakaiba
Ano ba itong kaguluhan
ang nangyayari sa puso't isipan
ano ba itong nararamdaman
humahanga na ba sa'yo kaibigan?
Nangangamba nga ako
paano kaya pag nalaman mo
ang lihim na paghanga ko
magbago kaya ang pakikitungo mo?
Nahihirapan nga akong tanggapin
kung paano ito nangyari sa'kin
noo'y kaibigan lang kitang maituturing
ngayon ay iba na ang yung dating
Sana nga ay wag mo ng malaman pa
na ako sa iyo'y may paghanga
dahil kapag inamin sa iyo
baka ika'y magbago't lumayo
Natatandaan ko pa ang eksaktong araw
nung makita kang sumasayaw
doon ko lang napagtantong lubusan
ako'y humahanga na sa iyo kaibigan