Nahulog na talaga ako sa'yo
yan na at inamin ko
kasi naman kasalanan mo
dahil pinaibig mo ako.
Dahil sa ngiti mong pagka-sweet
sa mata mong may pagkasingkit
ang pagiging caring mapa-personal o sa text
kaya naman tinamaan ng malupit
Okey naman sana
ang ganda ng ating naging simula
ngunit lahat nagbago bigla
simula nang dumating siya.
Dapat ba akong magalit sa isang kaibigan?
O dapat ko lang na hayaan?
Kahit para na akong pinapatay
sa tuwing magkahahawak ang inyong kamay.
Tinutudyo pa nga kayong dalawa
baka para daw kayo sa isa't-isa
samantalang ako'y ngingiti at sasang-ayon pa
kahit ang puso ko'y nagdurugo na.
Masakit man na malaman
na ikaw ay may iba ng mahal
at ang paglimot sa'yo ang tanging paraan
Ipinaubaya na kita sa aking matalik na kaibigan.