Magkaibigan na tayo
nung madama ko ito
hindi ko alam kung ito'y tama o mali
dahil ang puso ko ikaw ang tinatangi
Masyado lang ba akong umaasa
na ako rin ay iyong sinisinta
o kaibigan lang talaga
ang turing sa'kin sa simula pa
Bakit ba di ko mapigilan
na mahulog sa'yo ng tuluyan
sa tulad mong walang kasiguruhan
kung puso ko ba'y iyo ding iingatan
Sana di ka na lang naging mabait
nang sa puso ko'y di ka napalapit
dahil mahirap magmahal ng kagaya mo
na di naman pala ako ang mahal mo
Sana naging kaibigan na lang kita
at di na sana ako umasa pa
magkaganun man, salamat pala
dahil kahit papano ako'y naging masaya
