Chapter 2 : Meet the BADUY

34 0 0
                                    

Ayesha's POV

Kahit na nasasaktan parin ako sa nangyari kagabi , gumising parin ako ng maaga para pumasok .. Baka kasi makahalata pa yung mama at papa ko na may pinagdadaanan ako . Iba kasi ako eh , masekretong tao ako lalong lalo sa mga magulang ko.

Matapos kung maligo at mag ayos ay bumaba na ako. Sila mama at papa nakaalis na , so ang naiwan nalang eh itong dalawa kung kapatid , sina Kuya Ryuu at Kuya Aijo ..

" Oy ? Ye , sumabay ka ng kumain samin ni Aijo ! " sabi nya habang busy na kumakain . Ang takaw !

Umupo na ako at kumain narin.

"Kuya Ryuu, wala ka bang napapansin sa mga mata ni Ayesha? " tanong nya na busy din sa pagkain .. Ang tatakaw talaga ng mga taong to !

Tsk! Ang talas naman ng mata nitong si Kuya Aijo . Napansin nya sigurong namamaga yung mga mata ko ..

"Eh , ano bang nangyari?"

Tiningnan ako ni Kuya Ryuu .. At medyo niyuko ko yung ulo ko, baka makita nya pa !

"Ayesha ? "

Di ko sya pinansin imbes nag bisi-bisihan ako sa paglalaro sa pagkain ..

"Ayesha , tingnan ko nga yang mga mata mo ?"

"Wala po . Wag nalang po kayong makinig dyan ky Kuya Aijo !"

"Titingnan ko lang naman ."

"Tsk! Mas mabuti pang kumain nalang po tayo . At saka may pasok pa ako .. "

" Ang arte naman nito .. "

Nilapitan ako ni Kuya Aijo . Hinawakan nya yung mukha ko tapos iniharap ky Kuya Ryuu .. Wala na akong lusot kaya humarap nalang ako ..

"Hahahahahaha" bigla tawa ni kuya Ryuu .. Arrggh ! Asar .

>______<

Tingnan nyo , pinagtawanan nila ako ! Kainis naman kasi tong Kuya Aijo eh , napansin pa talaga ,  tss , kala ko pa concern to sila kin .. Mga traydor na Kuya !

" hahaha ano bang nangyari dyan sa mga mata mo ha ?" tanong ni Kuya Ryuu .. Patuloy parin sila sa pagtawa

 " tss , kinagat lng yan ng langam kuya ! " ibinaling ko nalang sa pagkain ang inis ko.

" oh ? At ang dalawang mata pa talaga ? Hahaha " sagot naman ni Kuya Aijo. Ayyy ! Kaasar naman oh , pinagtutulungan nila ako !

" oo sabi eh, di ko kasi napansin may langgam pala sa kama ko . "

>________<

"talaga lang ha? At yang mga mata mo lang ang kinagat .. "

sagot ni kuya Ryuu .

" ewan .. " sagot ko . Kainis naman tong sila Kuya eh ! Pagtawanan ba naman nila ako .

"Next time kasi , mag iingat ka na sa mga langgam , gaya nalang nung kumagat nyan . Nangangagat naman pala yun ng mga mata eh ! "

seryosong sabi ni kuya Ryuu .

o______O

ha ? Ano bang pinagsasabi nya? Ang weird talaga nitong si Kuya Ryuu ..

"tss, para kang ewan Kuya .. " then i pouted ..

" hehe di mo lang nakuha yung point ni Kuya bunso .. " sagot naman ni Kuya Aijo ..

Napansin kong nagkatinginan silang dalawa .. Ang weird talaga ng mga kuya ko .. Tss,

At ayon nagpatuloy na rin silang kumain ..

Ang BOYPREN Kong BADUY !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon