Part 2

4 0 0
                                    

Simula ng nangyari ang aksidentwng iyon hindi na pumasok si Krista at ang kanyang ama at mga kasambahay ang kinaka-usap. Nakita nila si Krista sa likod ng pintuan iyak ng iyak.

"Baby, anung ginagawa mo dyan?", habang hinahaplos ni Charles ang buhok ng anak ay napa-angat ito ng tingin, nginitian naman ito ng ama. "Baby, tara sa kama mo para makatulog ka na. Magtatatlong araw na hindi ka pa rin nakakatulog ng maayos."

"Daddy, masama si Mommy hinalikan niya ung daddy ni Ace.", sabi ni Krista sa gitna ng kanyang paghikbi.

"Hindi baby, isa lang yung friendly kiss. Kasi di ba magkaibigan ang Mommy mo at daddy ni Ace.", pagsisinungalin niya sa anak.

"Pero daddy-", hindi natuloy ang sasabihin ni Krista nang nagsalita muli ang kanyang ama.

"Baby, mali ka lang ng pagkakaintindi. Tama na yan, matulog na tayo.", dinala na ni Charles ang anak sa kama at pinatulog. Hindi naman makapasok si Marianne dahil nahihiya siyang harapin ang kanyang anak sa kanyang ginawa.

Kinabukasan agad na nagpa-book si Charles ng tiket papuntang Amerika at inasikaso narin nya ang mga pasaporte ng kanyang mag-ina. Inihanda na ni Marianne ang kanilang mga gamit na dadalhin. Nang ayos na ang lahat ginising na niya si Krista. Nginitian lang ni Krista ang kangyang ina. Tila pakiramdam ni Krista ay panaginip lang ang lahat. Nakita naman ni Krista ang kanilang mga maleta.

"Daddy, para saan po yang mga maleta?",

"Baby, aalis tayo! Magbabakasyon tayo sa Lolo"t Lola mo sa Amerika! Hindi ka ba excited!", excited na sabi ni Charles sa anak.

"Talaga po?! Mommy narinig mo un?! Magbabakasyon daw tayo kayla Lolo"t Lola! Yehey!!",

nagtatatalong sabi ni Krista.

"Kaya baby, kailangan mo nang magmadali baka malate tayo sa flight natin.", sabi naman ni Marianne sa anak

"Daddy, ngayon na agad?! Hindi pa po ako nakakapagpaalam kayla Kayle at Ace at si Kuya Accel.", malungkot na sabi ni Krista

"Wag kang mag-alala Baby nasabihan na naming sila.", nakangfiting sabi ng ama

"Talaga Daddy! Sige po magbibihis na ako.", tuwang-tuwang umakyat sa kwarto si Krista at nagbihis.

Nagbabasa lang ng dyaryo si Charles at umiinom ng kape nang magsalita si Marianne.

"Hindi ba natin sasabihin sakanya ang totoo?"

"Hindi na muna , bata pa si Krista hindi niya maiintindihan ang lahat."

"Paano naman ang pagtira natin sa Amerika?",tanung muli ni Marianne

"Sasabihin ko nalang na mas maganda dun tayo sa Amerika tumira para kasama natin sila Mommy at Daddy pati narin ang parents mo."

 Hindi na sumagot si Marianne at pumunta nalng sa kwarto ng anak upang tulungang magbihis.

Pagkadating sa airport dumiretso agad sila sa eroplano. Pagka baba nila ng eroplano sinalubong agad sila ng lolo't lola ni Krista. Pinauna na muna nila ang kanilang mga bagahe sa bahay na kanilang bahay at namasyal muna. Tuwang-tuwa si Krista sa mga lugar na napunthan nila. Takbo diyo, takbo doon, hila dito, hila doon, picture dito, picture doon, yan ang ginawa ni Krista maghapon. Pagkauwi sa bahay nila ay naka bulagta agad sa kama si Krista sa sobrang kapaguran. Halos buong linggo wala silang ibang ginawa kundi mamasyal. Napagdisisyunan na ni Charles na sabihin kay Krista na doon na sila titira.

"Baby, nakikita naming na masaya ka dito at dito narin naka base ang trabaho ko kaya napagdisisyunan naming na dito nalang tayo tumira at dito kana magpapatuloy ng pag-aaral."

Bad News Is The Better MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon