Chapter 23

5.5K 190 1
                                    


*********

The Reckless Gangster(COMPLETED)
A Story by AeeyJeey

********

|Chapter 21|

ZINNIA's POV

Andito na kami ngayon ni Lowie sa classroom at naghihintay na dumating ang teacher namin sa Math.

*Ring! Ring! Ring!*

"Hello?..... Ano?!... Sige"sabi niya at binaba na niya ang cellphone niya. Tumayo siya at saka niya ako hinarap.

"Shelbs. Dito ka nalang muna may pupuntahan lang ako"sabi niya sa akin tumango naman ako. Agad siyang patakbong umalis pero nakita ko na nay kinuha siya na Cap at mask sa bag niya.

Dahil curious ako. Agad ko siyang sinundan. Sa mga panahong ito wala na medyong estudyante na pagala gala dahil may pasok na. Pero 'yung iba ay may vacant.

Sinundan ko muna ng tingin si Lowie and good thing at suot ko ang relo ko na may nagpapakita na nag re-red light kapag may nadetect siyang disgrasya o away na malapit sakin.

Nakita ko na bumaba na siya sa hagdan kaya agad ko siyang sinundan. Hanggang sa pumunta siya sa garden.

Sinuot niya muna ang Cap at mask niya at tuluyan ng pumunta sa likod ng garden.

Nakita ko na puno malapit sa pinuntahan ni Lowie. Agad kong kinuha ang Ballpoint pen ko at itinutok ito sa puno. Agad na may lumabas na lubid galing sa pen ko kaya madali akong napaakyat sa puno. Medyo mataas ito compared sa ibang puno.

Nung nakahanap na ako ng pwesto kung saan makikita ko ang pangyayari ay nakita ko sina Leondre, Lowie at si Francis? Ano? Ba't andito si Francis? Ano bang nangyayari?

Nakita ko si Francis na nakikipag away siya kay Ethan pero nung nakita niya si Lowie ay agad niya itong sinuntok. Medyo nag-usap pa sila pero kaagad na may kinuhang baseball bat si Ethan ay akmang ihahampas niya sana kay kay Lowie pero sinangga ito ni Lowie at sinipa niya ang tiyan ni Ethan kaya napalayo si Ethan sa kanya at inihampas ni Lowie sa kanya ang baseball bat.

Kinuha ko ang sleeping gun ko sa bag ko at tinira si Walter,Felix, at Shone. Hindi ko na tinira si Ethan kasi alam kong kayang kaya na siya ni Ethan. Si Owen naman ay nakahiga na ng dahil sa lakas ng suntok ni Lowei sa kanya. Agad silang napahiga na sana ay susuntukin pa ni Leondre si Walter nabigla naman siya.

Bumaba naman ako sa pwesto ko at kinalabit si Francis na ngayon ay nakaupo nalang sa gilid dahil sa mga sugat na natamo niya.

"Umalis na kayo"sabi ko. Tumingala naman siya sakin.

"Z-zinnia?"hindi makapaniwalang sabi niya.

"Umalis na kayo ako ng bahala dito."sabi ko tumango naman siya at inalayan ko siyang tumayo siya at hinatak si Lowie papalayo kay Ethan. Hindi na muna ako lumayo sa kinaroroonan kanina ni Francis at baka makita pa ako nila.

Nung nasigurado ko na na kaalis na sina Francis ay kinuha ko ang spray.

Inispray ko ito hanggang sa hindi ko na makita sina Ethan. Tumakbo ako paalis at tumalon sa bakod palabas dito sa school.

Pumunta na muna ako ng parking lot at sumakay na kay Buddy.

Dahil nung kinalabit ko kanina si Francis, may dugong naiwan sa kamay ko. Nilagay ko ito sa G.P.S board and there! Nakita ko na kung nasaan sila ngayon.

Sinudan ko lang ang map at pinush ko 'yung green button at may nakapalibot ulit sakin.

"b5gjx548" I said.

The Reckless GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon