Chapter 36

4.6K 151 3
                                    


*********

The Reckless Gangster(COMPLETED)
A Story by AeeyJeey

********


|Chapter 36|

KHARA's POV

Damn that girl! Bwesit! Buhusan ba daw ako ng tubig. Arrgh! Pano nalang kung may kumuhang video?! Tapos i upload sa social media? Edi sira image ko!

Pumunta na muna ako sa resthouse ko dito sa Boracay. Well, kanina 'yung iyak factor na 'yun. Drama lang 'yun. Hahaha! Pero kinilig talaga ako nung niyakap ako ni Lowie. Gosh! Naramdaman ko naman ang pag-init ng mukha ko.

I'm trying to contact him but it keeps on ringing. Wala siyang planong kausapin ako. Huhubels! T_T How sad naman. Nandito ako ngayon sa Veranda kaya kitang-kita ko ang tanawin ng dagat. Maganda at relaxing ang lugar na 'to.

Nakita ko naman si Shelbe na naglalakad na mag-isa.

"Seriously? Ano bang nakita ni Lowie sayong babae ka? Hindi naman tayong magkasing ganda at sexy. Gosh! Siguro ginayuma mo lang siya."sabi ko habang nakatitig sa kanya. At unti-unting pinapatay sa isipan.

ZINNIA's POV

Napagpasyahan kong pumunta na muna sa mga nagtitinda ng mga souvenirs. Mga magaganda ang pagkakagawa nila dito.

"Hoy Slave! Ba't moko iniwan ha?"may biglang kumalabit sa likuran at alam kong siya 'yun. Si MASTER.

"Eh wala ka namang ginagawa MASTER eh kaya gumala na muna ako"sagot ko naman habang busyng-busy sa pagpili ng souvenir.

Kinuha ko 'yung Keychain na turtle na may nakalagay na Boracay. Bumili rin ako ng kwentas na gawa sa mga shells at 'yung sumbrero na may nakalagay na I Love Boracay.

Nagbayad na ako kay Aleng Tindera atsaka aalis na sana ako pero pinigilan ako ni Ethan.

"Dalhin mo 'to"sabi niya at inabot sakin 'yung plastic bag na nay lamang damit at may bracelets.

"Kanino 'to?"tanong ko sa kanya.

"Malamang para sakin. Tinatanong pa ba 'yan?"sabi niya saoin at tinaasan ako ng kilay.

"Sabi ko nga"sagot ko at lumakad na rin. Napansin ko rin na panay ang kuha niya ng litrato gamit ang dslr niya.

"Hoy Slave! Pwesto ka diyan. Kukunan kita ng litrato. Akin na muna 'yang dala mo."sabi niya at hinatak ako papunta sa may Sand Castle na nakaukit ang BORACAY. Sa may kastilyo tapos may flag siya sa ibabaw. Pumwesto naman ako. At kinunan niya ako ng litrato.

Hanggang sa naging Model na niya ako dahil kahit saan kami pupunta kukunan niya ako ng litrato. Paminsan-minsan stolen shots. Paano ko nalaman? Instinct. HAHAHA! CHAROT XD

"Akin na 'yung plastic na 'yan. Bumalik na tayo sa Hotel. Mag s-swimming pa kami nina Mayshien"sabi ko at kinuha 'yung plastic bag sa kanyang kamay.

"Sama ako"sabi niya sakin.

"Pwede rin"sagot ko at nginitian siya.

Nakita ko na marami-rami na ring estudyante na naliligo sa dagat at 'yung iba naman ay gumawa ng Sand Castle at 'yung iba nagpi-picture taking pero may mga estudyante rin na mas piniling umupo nalang sa cottage. Tsk. Mga Killjoy.

Pagkapasok namin sa Hotel ay agad namin tinungo 'yung elevator. Ponindot ko 'yung third floor at sa kanya naman ay 'yung V.I.P section.

"Magkita nalang tayo don sa cottage"sabi ko sa kanya at timing rin na nag TING! 'yung elevator. Binigay ko sa kanya ang plastic bag at lumabas na sa elevator.

Lumakad ako papunta sa room namin at binuksan ito. Nakita ko naman na naka two piece na si Crizel.

"Damn hot chick"sabi ko. Nagulat naman siya pero namula siya.

"B-bagay ba Shelbe?"tanong niya sakin habang namumula ang mukha niya.

"Yeah. I'm very sure na mas maiinlove pa sayo si Leondre"sabi ko at kinindatan siya.

Bigla namang bumukas ang pinto ng CR at tumambad sakin ang mukha ni Mayshien.

"Shelly! Magbihis kana nga! Dali!"sabi niya sakin at hinagis sakin ang swim suit ko at hinatak papasok sa loob ng CR.

"Si Mayshien talaga"sabi ko na napapailing.

Naghubad na ako ng damit ko at sinuot 'yung swim suit ko.

Binuksan ko na 'yung pintuan at napanganga sina Mayshien at Crizel.

"OMG! MAY ABS KA?!"Sabi nila ng sabay-sabay.

"Ahmm... Yeah?"sabi ko. 'Yung abs na pangbabae ha? Hindi 'yung panlalaki. >.<

"GOSH! Ang hot naman ng Gang Leader namin! Grabe!"sabi niya at saka ako niyakap.

"I-i can't breathe"sabi ko at pilit na kumawala sa pagkakayakap ni Mayshien.

"Oh I'm sorry. It's just that...... Wow"sabi niya.

"Tama na 'yan. Tayo na magswimming na tayo!"sabi ko at kinuha na namin 'yung bathrobe at sinuot namuna ito.

Pagkalabas na pagkalabas namin ay nandiyan na pala si Leondre at Lowie sa labas.

"Kanina pa kayo namin hinihintay"sabi ni Leondre na nakasuot ng Hawaiian short at naka sando na puti. Ganon rin si Lowie pero black yung sando niya pero naka sunglasses si Lowie.

"Haha! Pasensya naman. Tara na"sabi ni Crizel at saka inangkla ang kamay niya sa braso ni Leondre.

Nagsimula naman kami na lumakad. Walang imikan tahimik lang kaming tatlo at walang may planong basagin ang katahimikan. Nung nasa tapat na kami ng elevator bumukas naman kaagad ito at saka kami sumakay. Pinindot ko ang ground floor. Awkward.

TING!

"OMG! Gorabels na tayo!"sabi ni Mayshien at hinatak kaming dalawa ni Crizel palabas ng elevator.

"Woah.... Wait.... Chillax!.... Oh mehn!"kanya-kanya kaming sigawan ni Crizel habang hawak-hawak kami ni Mayshien. Nung nakalabas na kami sa Hotel. Hingal na hingal kami. Pero si Mayshien parang wala lang sa kanya.

"Wait.... Mayshien! Grabe ka!"sabi ni Mayshien habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa mga tuhod niya. Pati nga rin ako eh humihingal dahil sa bilis ng pagtakbo niya.

"Mayshien! Baliw kaba? Pinagod mo si Crizel oh!"sabi ni Leondre habang pinapahiran si Crizel sa kanyang pawis.

"Wushuuuu! Wala akong pakealam"sabi ni Maushien at dinilaan si Leondre.

"Ahmm... Guys, punta muna tayo sa cottage. Andoon sina Ethan naghihintay"sabi ko sa kanila.

"Alam mo bang kung hindi lang kayo magkaaway ni Ethan, bagay kayo. Ang ganda ng chemistry niyo"sabi niya sakin habang nakangisi.

"Tss"narinig kong sabi ni Lowie.

"Shut up Mayshien. We're enemies. Keep that in mind"sabi ko at nauna ng naglakad kesa sa kanila. Nakita ko naman sina Ethan kasama ang kaibigan niya na walang damit sa pang-itaas. Talagang binabalandra nila ang mga abs nila.

Nung pumasok na kami ay agad silang tumahimik.

"Omg! Tayo na Shelly! Crizzy! Magswimming na tayo"sabi ni Mayshien at agad na hinubad ang bathrobe niya. Pati narin si Crizel.

Tumingin naman silang lahat sakin na parang naghihintay kung ano ang gagawin ko. Nagkibit balikat ako at agad na hinubad ang bathrobe ko. Kitang-kita ang paglaki ng mga mata nina Ethan at kaibigan niya-including Lowie.

***

Don't forget to click the STAR at the bottom! Votes and comments are highly appreciated! <33333

The Reckless GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon