Calling all the passengers of Delta Airline Flight 683 going to the Philippines please proceed. Again calling all the passengers, kindly proceed. Narito ako ngayon sa John F. Kennedy Airport, para bumalik sa bansang aking pinagmulan. Sabik na akong hagkan lahat ng aking mga mahal sa buhay. Pagsakay ko sa eroplano, hindi ko maiwasan alalahanin lahat ng nangyari sa tatlong taon ng pagkawala ko.
Umalis ako sa pag-aakalang di ako papayagan ni Vic sa pagtupad sa matagal ko nang pangarap. Natakot akong palampasin ang isang opurtunidad na minsan lang dumating sa buhay ng isang tao. Lumisan ako sa bansa kasama lamang ang pangarap ko ngunit naiwan ang pinakamamahal kong si Vic at Sophia. Sana hindi ako nagkamali ng pasya.
Naantala ang aking biyahe, dahil kinailangan kong magstop over sa bansang Japan bago tuluyang lumapag ang aking sinasakyan patungo sa Pilipinas. Naisipan kong magshopping ng mga karagdagang pasalubong para sa aking pamilya. Bumili ako ng napakaraming laruan at damit na tiyak akong magugustuhan ng kahit na sinong bata. Matapos ang ilang oras na pagstay sa Narita Airport ay nagpatuloy ang aking biyahe.
Labis ang kasiyahan at kaba na aking nadarama sa aking pagbabalik. Matatanggap pa kaya nila ako?
Narito na ako sa NAIA Terminal, susunduin ako nina mommy at daddy.
"Anak, grabe sobra ka namin namiss" puno ng pagmamahal na wika ni mommy
Agad din yumakap sa akin si daddy. Ayon pa sa kanya ay miss na miss din ako ng aking mga kapatid.
Isang araw makalipas ng aking pag-uwi ay agad kong kinamusta kina mama sina Vic at Sophia. Pero nagulat ako sa ibinalita ng kapatid ko
"Ate dapat noon mo pa ito nalaman, dapat hindi na namin pa ito inilihim sa iyo"
"Ano ang dapat kong malaman? Sabihin mo..."
"Ate si Vic ay nagpakasal na ulit. Masaya na sya sa piling ng isang doctor na nagngangalang Denisse Michelle Lazaro. Masaya na sila kasama si Sophie"
"Ano? " halos ikamatay ko ang aking natuklasan.
"Bakit hindi niyo agad ibinalita sa akin? bakit ma?" nagsusumamo kong tanong sa kanila
Umaasa ako na may babalikan pa ako. Bakit?
Matapos ang aming eksena sa bahay ng aking mga magulang. Dali-dali akong lumisan ng bahay at pumunta sa tahanan namin ni Vic. Ngunit natuklasan ko na lamang na wala na sila doon dalawang taon na ang nakakalipas. Saan ko kaya sila matatagpuan?
"Hay, kasalanan ko lahat ng ito!"
Ang tanging paraan lang na aking naiisip ay tawagan ang aming mga kaibigan, ngunit ni isa sa kanila ay hindi ko na makontak. Sinubukan kong puntahan sila sa kani-kanilang tahanan, ngunit hindi pa rin ako nagtagumpay. Sinubukan kong pumunta ng Pampanga ngunit wala nang ni isa sa mga kamag-anak ng aking asawa ang nakatira roon.
Malapit na akong mawalan ng pag-asa ngunit hindi ko dapat maramdaman ito. Kaya pumunta ako sa ikalawang ama namin ni Vic, at ito ay si Coach Ramil upang tanungin kong nasaan na sya.
Mula Pampanga, ay binagtas ko ang daan patungong Taff.
"Magandang hapon po! Nandiyan ho ba si Coach Ramil?" tanong ko sa gwardya. Mukhang bago na ang guard dito.
"Mam, sino ho ba sila"
"Ako po si MIKA REYES-GALANG"pagpapakilala ko sa aking sarili.
"Mam, check ko lang po"
Makalipas ang ialng minuto sinabihan ako ng gwardiya na maaari na akong pumasok sa Razon Building. Malayo pa lamang ay tanaw ko na si Coach. Walang gaanong nagbago sa kanyang pisikal na kaanyuan. May dimple pa din sya.
"Mika, anak ikaw na ba yan? Ang tagal mo nawala? Saan ka ba talaga nagpunta? Alam mo ba hinanap ka ni Vic?" tuluy-tuloy na katanungan ni Coach.
"Ako po ito Coach, ako pa rin si Mika, si Yeye, ang daks ni thomsy!" sabay yakap kay coach.
"Anak, marami ang nag-alala sa iyong pagkawala" maluha-luhang sabi ni Coach Ramil.
"Saan na po ang pamilya ko? Nasaan na sila?"
"Mika wala ka ba talagang alam? hindi makapaniwalang saad niya
"Wala po talaga Coach"
"Wag ka sana mabibigla anak, pero may bago nang buhay si Vic. Noon lamang nakaraang buwan ay ikinasal siya kay Denden."
"Coach bakit ganon? akala ko ako lang ang mahal niya, bakit po ganon?" halos maglupasay ako.
YOU ARE READING
If I Could Turn Back Time
RomansaWill it be a reality for a child to have a happy and complete family? Every night she kept on praying to God to grant her wishes, that one day her mommy will come back!